Kahulugan ng buhay

Ang kahulugan ng buhay ay isang katanungang pampilosopiya na nakatuon sa katuturan ng buhay o ng pag-iral sa pangkalahatan. Maaari rin itong ipahayag sa iba't ibang mga anyo, katulang ng "Bakit ba tayo naririto?", "Tungkol ba talaga saan ang buhay?", at "Ano ba ang layunin ng pag'iral?" Naging paksa ito ng maraming mga haka-hakang makapilosopiya, makaagham, at makateolohiya sa loob ng kahabaan ng kasaysayan. Nagkaroon na ng isang malaking bilang ng iminungkahing mga kasagutan sa mga katanungang ito magmula sa maraming iba't ibang mga balangkas na pangkultura at pang-ideolohiya.

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga diwang pampilosopiya at panrelihiyon ng pag-iral, ng mga ugnayang panlipunan, kamalayan, at kaligayahan, at humahangga sa maraming iba't ibang mga paksa, katulad ng kahulugang masagisag, ontolohiya, halaga, layunin, etika, kabutihan at kasamaan, malayang kagustuhan, pag-iral ng isa o maraming mga Diyos, mga diwa ng Diyos, kaluluwa, at kabilang buhay. Ang ambag na makaagham ay pangunahing nakatuon sa paglalarawan ng kaugnay na mga katotohananng empirikal hinggil sa uniberso, paggalugad sa diwa at mga parametro o sukatan hinggil sa 'paano' ng buhay. Pinag-aaralan din ng agham at maaari ring makapagbigay ng mga mungkahi para sa paghahangad ng kapakanan at isang kaugnay na diwa ng moralidad. Ang isang kahalip na makapantaong pagharap ay nagbibigay ng tanong na "Ano ba ang kahulugan ng aking buhay?" Ang kahalagahan ng tanong na tumutukoy sa layunin ng buhay ay maaaring sumabay sa pagkakamit ng talagang katotohanan, o isang damdami ng kaisahan, o kahit na isang damdamin ng kabanalan.


Pilosopiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.