Distrito ng Silangang Godavari

(Idinirekta mula sa Kakinada)

Ang Silangang Godavari ay isang distrito sa Baybaying Andhra ng rehiyon ng Andhra Pradesh, Indya. Matatagpuan ang punong-himpilan ng distrito sa Rajahmundry. Ayon noong senso ng 2011, ito ang naging pinakamataong distrito sa estado na may populasyon na 5,151,549.[3]

Distrito ng Silangang Godavari
Distrito ng Andhra Pradesh
Pakanan mula kaliwang-itaas: Kovvur Shivalayam, Templo ng Golingeshwara malapit sa Biccavole, mga tulay ng Godavari malapit sa Rajahmundry
Lokasyon sa Andhra Pradesh
Lokasyon sa Andhra Pradesh
Mga koordinado: 16°57′N 82°15′E / 16.950°N 82.250°E / 16.950; 82.250
Bansa Indiya
EstadoTalaksan:Andhraseal.pngAndhra Pradesh
RehiyonBaybaying Andhra
Punong-himpilanRajamahendravaram
Mga mandal64[1]
Pamahalaan
 • Kolektor ng DistritoDr K Madhavi Latha, IAS[2]
 • Konstityuwensyang Lok SabhaRajamahendravaram
 • Konstityuwensyang Asembleya7
Lawak
 • Kabuuan2,560.70 km2 (988.69 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2011)[3][4]
 • Kabuuan1,832,332
 • Kapal720/km2 (1,900/milya kuwadrado)
Demograpiya
 • Literasiya71.35%
 • Rasyo ng kasaria1005
Plaka ng sasakyanAP-05 (dati)
AP–39 (mula 30 Enero 2019)[5]
Pangunahing lansangang-bayanNH 16, NH 216, NH 516E, NH 216A, NH-365BB, NH-516D.
Websayteastgodavari.ap.gov.in

Sa Presidensiya ng Madras, nalikha ang Distrito ng Rajahmundry noong 1823.[6] Muling inorganisa ito noong 1859 at sumanga ito sa mga distrito ng Godavari at Krishna. Noong pamamahala ng mga Briton, punong-himpilan ang Rajahmundry ng Distrito ng Godavari, na sumanga pa sa Silangang Godavari at Kanlurang Godavari na mga distrito noong 1925. Nang nahati ang distrito ng Godavari, naging punong-himpilan ang Kakinada ng Silangang Godavari at naging punong-himpilan ang Eluru ng Kanlurang Godavari.[7][8] Noong Nobyembre 1956, nabuo ang Andhra Pradesh sa pamamagitan ng pagsasama ng Estado ng Andhra sa mga lugar na may nagsasalita ng Telugu sa Estado ng Hyderabad. Noong 1959, ang dibisyong kumikita na Bhadrachalam, na binubuo ng Bhadrachalam at Naguru Taluqs (2 Taluqas noong 1959 subalit nahati sa kalaunan sa Wajedu, Venkatapruram, Charla, Dummugudem, Bhadrachalam, Nellipaka, Chinturu, Kunavaram, at Vara Rama Chandra Puram Mandals) ng Distrito ng Silangang Godavari, ay sumanib sa distrito ng Khammam.[9] Pagkatapos ng reorganisasyon at dibisyon ng Andhra Pradesh noong Hunyo 2014, ang mga Mandal ng Bhadrachalam (maliban sa Templo ng Bhadrachalam), Nellipaka, Chinturu, Kunavaram at Vara Rama Chandra Puram ay muling naidagdag sa Distrito ng Silangang Godavari.[10]

Demograpiya

baguhin

Sang-ayon sa senso noong 2011, mayroon ang Silangang Godavari ng isang populasyon na 5,154,296.[11] Binibigyan ito na isang ranggo na ika-19 sa Indiya (sa kabuuang 640 distrito) at una sa estado.[11] May kakapalan ang populasyon ng distrito ng 477 mga naninirahan bawat kilometro kuwadrado (1,240/mi kuw). Ang bilis ng paglago ng populasyon nito sa dekadang 2001–2011 ay 5.1%. Ang Silangang Godavari ay may rasyo ng kasarian ng 1005 babae sa bawat 1000 lalaki, at ang may kakayahang magbasa't masulat ay nasa 71.35%.[11]

May kabuuang populasyon ang Silangang Godavari ng 5,151,549; na 2,569,419 ang lalaki at 2,582,130 ang babae. Mayroong pagbabago ng 5.10 bahagdan sa populasyon kumpara sa populasyon noong senso ng 2001. Sinasabi ng datos ng senso ang isang densidad na 477 noong 2011 kumpara sa 454 noong 2001.[12] Ang katamtamang porsiyento ng mga marunong bumasa't sumlat sa Silangang Godavari noong 2011 ay 71.35% kumpara sa 65.48% noong 2001. Sa pagbatay sa kasarian, nasa 74.91% ang mga lalaking marunong bumasa't sumalat samantalang nasa 67.82% ang sa babae. Tungkol naman sa rasyo ng kasarian sa Silangang Godavari, nanatili itong 1005 babae bawat 1000 lalaki kumpara noong senso ng 2001 na may pigura na 993. Ang katamtamang pambansang rasyo ng kasarian sa Indiya ay 940 noong senso ng 2011.[11]

May kabuuang 492,446 na bata edad 0–6 noong 2011 laban sa 613,490 noong senso ng 2001. Sa mga batang ito, Sa kabuuang 492,446 na bata, 250,086 ang lalaki at 242,360 ang babae. Ang rasyo ng kasarian ng bata ayon sa senso ng 2011 ay 969 kumpara sa 978 noong 2001. Noong 2011, binubuo ang mga bata na may gulang na 0-6 ng 9.56% ng Silangang Godavari kumpara sa 12.52% noong 2001.[11]

Mga relihiyon sa Distrito ng Silangang Godavari (2011)[13]
Relihiyon Bahagdan
Hindu
  
95.62%
Muslim
  
2.47%
Kristiyano
  
1.58%
Iba o hindi sinabi
  
0.33%
Distribusyon ng mga relihiyon




 

Mga wika ng Distrito ng Silangang Godavari (2011)[14]

  Telugu (97.36%)
  Urdu (1.84%)
  Iba pa (0.80%)

Sa panahon ng senso noong 2011, nagsasalita ang 97.36% ng populasyon ng Telugu at 1.84% Urdu bilang kanilang unang wika.[14]

Mga dibisyong administratibo

baguhin
 
Mga kumikitang dibisyon ng Silangang Godavari

May dalawang kumikitang dibisyon ang distrito, ang Rajamahendravaram at Kovvur na may 19 na mandal.[15]

Mga mandal

baguhin

Mayroon ang Silangang Godavari ng sumusunod na mga mandal:[16]

# Dibisyong Rajamahendravaram Dibisyong Kovvur
1 Urbanong Rajamahendravaram Kovvur
2 Rural na Rajamahendravaram Chagallu
3 Kadiam Tallapudi
4 Rajanagaram Nidadavole
5 Seethanagaram Undrajavaram
6 Korukonda Peravali
7 Gokavaram Devarapalle
8 Anaparthi Gopalapuram
9 Biccavolu Nallajerla
10 Rangampeta

Mga sanggunian

baguhin
  1. "District – East Godavari" (sa wikang Ingles). Andhra Pradesh Online Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hunyo 2015. Nakuha noong 23 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Collectors, SPs appointed for new districts in Andhra Pradesh". The Hindu (sa wikang Ingles). 30 Abril 2022. Nakuha noong 30 Abril 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "District Census Hand Book – West Godavari" (PDF). Census of India (sa wikang Ingles). Registrar General and Census Commissioner of India.
  4. "District Census Hand Book – East Godavari" (PDF). Census of India (sa wikang Ingles). Registrar General and Census Commissioner of India.
  5. "New 'AP 39' code to register vehicles in Andhra Pradesh launched". The New Indian Express (sa wikang Ingles). Vijayawada. 31 Enero 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Hulyo 2019. Nakuha noong 9 Hunyo 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Bhaskar, B. v s (8 Hunyo 2014). "Nyapathi Subbarao carved an identity for Telugus". The Hindu (sa wikang Ingles) – sa pamamagitan ni/ng www.thehindu.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "District Profile". East Godavari District Webportal (sa wikang Ingles). National Informatics Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Abril 2015. Nakuha noong 8 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Knipe, David M. (2015). Vedic Voices: Intimate Narratives of a Living Andhra Tradition (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 9780199397709. Nakuha noong 8 Mayo 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Narayana Rao, K. V. (1972). Telangana (sa wikang Ingles). ISBN 9780883861189.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Post division, who will get Bhadrachalam?". The Times of India (sa wikang Ingles).
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 11.4 "District Census 2011" (sa wikang Ingles). Census2011.co.in. 2011. Nakuha noong 30 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Indian Districts by Population, Growth Rate, Sex Ratio 2011 Census" (sa wikang Ingles). Census2011.co.in. Nakuha noong 25 Agosto 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Population by Religion - Andhra Pradesh". censusindia.gov.in (sa wikang Ingles). Office of the Registrar General & Census Commissioner, India. 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "Table C-16 Population by Mother Tongue: Andhra Pradesh". Census of India (sa wikang Ingles). Registrar General and Census Commissioner of India.
  15. "6 new districts carved out from Godavari districts". The Hans India (sa wikang Ingles). 4 Abril 2022. Nakuha noong 1 Mayo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  16. "Here's How the New AP Map Looks Like After Districts Reorganization". Sakshi (sa wikang Ingles). 3 Abril 2022. Nakuha noong 3 Abril 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)