Kalakhang Lungsod ng Milan

(Idinirekta mula sa Kalakhang Lungsod ng Milano)

Ang Kalakhang Lungsod ng Milan (Italyano: città metropolitana di Milano; Lombardo: cità metropolitana de Milan, Milanese: cittaa metropolitana de Milan [tʃiˈtɑː metrupuliˈtana de miˈlãː]) ay isang kalakhang lungsod sa rehiyon ng Lombardy, Italya. Ito ang pangalawang pinakamataong Kalakhang Lungsod sa bansa pagkatapos ng Kalakhang Lungsod ng Roma. Ang kabesera nito ay ang lungsod ng Milan. Pinalitan nito ang Lalawigan ng Milan at may kasama nito ang lungsod ng Milan at iba pang 133 mga munisipalidad o kumunidad (comuni). Ito ay unang nilikha ng reporma ng mga lokal na awtoridad (Batas 142/1990) at pagkatapos ay itinatag ng Batas 56/2014. Umiiral ito mula noong Enero 1, 2015.

Kalakhang Lungsod ng Milan
Tanaw sa Milan
Tanaw sa Milan
Watawat ng Kalakhang Lungsod ng Milan
Watawat
Eskudo de armas ng Kalakhang Lungsod ng Milan
Eskudo de armas
Location of the Metropolitan City of Milan
Location of the Metropolitan City of Milan
Country Italya
Region Lombardia
Itinatag1 Enero 2015
Capital(s)Milan
Comuni134
Pamahalaan
 • Kalakhang AlkaldeGiuseppe Sala
Lawak
 • Kabuuan1,575 km2 (608 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Hunyo 2019)[kailangan ng sanggunian]
 • Kabuuan3,259,835
 • Kapal2,100/km2 (5,400/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
ISTAT215[1]
WebsaytKalakhang Lungsod ng Milano

Ang Kalakhang Lungsod ng Milan ay pinamumunuan ng Kalakhang Alkalde at ng Kalakhang Konseho. Mula noong Hunyo 2016, si Giuseppe Sala, bilang alkalde ng kabesera ng lungsod, ay naging alkalde ng Kalakhang Lungsod.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Codici delle città metropolitane al 1° gennaio 2017". www.istat.it (sa wikang Italyano). 23 Disyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)