Kalayaan sa pananalita
Ang kalayaan sa pananalitâ ay ang karapatang magsalitâ o magbatíd ng kuro-kurò o pananáw nang hindî nangangambang gagantíhan o isesensura ng pamahalaan. Kalimitang napagpapalit ang taguring kalayaan ng pagpapahayag sa kalayaan ng pananalita, ngunit ang una'y may kalakip na pagbabatíd ng impormasyon o ideya gamit ang alinmang midyum.
Hinihigpitan ng mga pamahalaan ang pananalitâ sa iba't ibang paraán. Ang mga karaniwang limitasyon kaugnay sa pananalitâ ay libelo, paninirang-puri, kalaswaan, pornograpiya, sedisyon, panunulsol, mga palaban na salita, klasipikadong impormasyon, paglabag sa karapatang-sipi, mga lihim sa kalakalan, kasunduang di-pagsisiwalat, karapatan sa pribasiya, karapatang makalimutan, political correctness, kaayusang pampubliko, pampublikong seguridad, panggugulo, perjury, at pang-aapi.