Kalkulador ni Pascal

Ang kalkulador ni Pascal (tinatawag ding isang pascaline) ay isang mekanikal na kalkulador na inimbento ni Blaise Pascal sa kalagitnaan noong 1642 hanggang 1644.[1] Ang kalkulador na ito ay isa sa mga kauna-unahang naipagawa nang napakarami (mga 50 prototype at karagdagang 20 sa produksyon) at isa sa mga naunang kalkulador na nagamit ng iba't-ibang tao. Ang makinang ito ay kayang magdadag at magbawas ng mga numero sa pamamagitan ng pagmamanipula ng dial nito. Ito ay inimbento ni Pascal para sa kanyang ama na isang mambubuwis.[2]

Isang pascaline na nilagdaan mismo ni Pascal noong 1652

Noong 1649, binigyan ni Haring Louis XIV ng Pransiya si Pascal ng isang maharlikang pribilehiyo (katulad ng isang patent), na nagbigay ng eksklusibong karapatan sa disenyo at paggawa ng mga makinang pangkalkula sa Pransiya. Siyam na kalkulador ni Pascal ang kasalukuyang umiiral;[3] karamihan ay matatagpuan sa mga museo sa Europa.

Maraming mga kalkulador sa ibang pagkakataon ang direktang inspirasyon o hinubog ng parehong makasaysayang impluwensya na humantong sa pag-imbento ni Pascal. Inimbento ni Gottfried Leibniz ang kanyang mga gulong (Leibniz wheels) noong 1671, pagkatapos subukang magdagdag ng awtomatikong multiplikasyon ng multiplikasyon sa pascaline.[4] Noong 1820, idinisenyo ni Thomas de Colmar ang kanyang aritnometro, ang unang mekanikal na kalkulador na sapat sa malakas at maaasahan pagdating sa mga kumplikadong aritmetika upang magamit araw-araw sa kapaligiran ng opisina. Hindi malinaw kung nakita niya ang aparato ni Leibniz, ngunit inimbento niya ito muli o ginamit ang pag-imbento ni Leibniz ng step drum.

Mekanismo

baguhin
 
Itaas na pagmamasid and kabuuang pagmamasid ng pangkalahatang mekanismo ng isang pascaline[5]

Mayroon itong metal na ibabaw na may walong bintana sa itaas, bawat isa ay nagpapakita ng maliit na drum na may mga numero. Ang mga drum ay nakaayos na may isang itim na hilera para sa karagdagan at isang pulang hilera para sa pagbabawas. Ang mga gumagamit ay nag-iinput ng mga numero gamit ang walong gulong sa harap ng mga bintana. Ang bawat gulong ay may iba't ibang bilang ng mga spokes at ginagamit para sa iba't ibang lugar sa isang numero (mga yunit, mga sampu-sampu, atbp.). Ang unang dalawang gulong ay humahawak sa pinakamaliit na yunit (mga yunit at mga sampu-sampu), habang ang iba ay ginagamit para sa mas malalaking yunit (tulad ng mga daan-daan). Ang makina ay idinisenyo para sa mga kalkulasyon na may kaugnayan sa pera ng bansang Pransiya ngunit maaari ding iakma para sa iba pang mga gamit.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Rojas-Sola, José Ignacio; del Río-Cidoncha, Gloria; Fernández-de la Puente Sarriá, Arturo; Galiano-Delgado, Verónica (2021-07). "Blaise Pascal's Mechanical Calculator: Geometric Modelling and Virtual Reconstruction". Machines (sa wikang Ingles). 9 (7): 136. doi:10.3390/machines9070136. ISSN 2075-1702. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  2. "Pascaline | Mechanical Calculator, Addition Device, Subtraction | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-08-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Guy Mourlevat, p. 12 (1988)
  4. Leland Locke, p. 316 (1933)
  5. Œuvres de Pascal in 5 volumes, La Haye, 1779
  6. "Pascal's Adder - About Pascaline". www.macs.hw.ac.uk. Nakuha noong 2024-08-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga pinagkuhaan

baguhin
  • Mourlevat, Guy (1988). Les machines arithmétiques de Blaise Pascal (sa wikang Pranses). Clermont-Ferrand: La Française d'Edition et d'Imprimerie.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Ginsburg, Jekuthiel (2003). Scripta Mathematica (Septembre 1932-Juin 1933). Kessinger Publishing, LLC. ISBN 978-0-7661-3835-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)