Kalusugang pang-isipan

(Idinirekta mula sa Kalusugang pangkaisipan)

Ang kalusugang pang-isipan ay naglalarawan ng isang antas ng kapakanan na pangsikolohiya, o ng isang kawalan ng isang diperensiyang pang-isipan.[1][2] Magmula sa pananaw ng 'sikolohiyang positibo' o 'holismo', ang kalusugang pang-isipan ay maaaring magbilang ng kakayahan ng isang indibiduwal na masiyahan sa pamumuhay, at makalikha ng isang paninimbang o balanse sa pagitan ng mga gawaing pampamumuhay at ng pagpupunyaging makapagkamit ng resiliyensiyang pangsikolohiya.[1] Ang kalusugang pang-isipan ay maaari ring bigyan ng kahulugan bilang isang pagpapahayag ng damdamin, at bilang nagpapahiwatig ng isang matagumpay na pakikibagay o pakikiangkop sa isang kasaklawan ng mga paghingi o paghiling.

Mayroong mga emosyonal na karamdaman na nakakaapekto sa mga gumagamit ng kapangyarihan sa alinman sa mga anyo nito, bukod sa kung saan namamalagi ang hubris syndrome, megalomania, hamartia o narcissism.

Binibigyang kahulugan ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan ang kalusugang pang-isipan bilang isang katayuang pangkapakanan kung saan ang isang tao ay nakauunawa sa kaniyang sariling mga kakayahan, nakakaangkop sa karaniwang mga kabalisaan sa pamumuhay, nakakagawa nang marami at mabunga, at nakakapag-ambag sa kaniyang pamayanan."[3] Dating nasabi na walang ni isang "opisyal" na kahulugan ng kalusugang pang-isipan. Ang mga kaibahang pangkultura, mga pagsisiyasat na pampaksa, at nagtatalu-talong mga teoriyang pamprupesyon ay nakakaapektong lahat sa kung paano binibigyan ng kahulugan ang "kalusugang pang-isipan".[4] Mayroong iba't ibang mga uri ng mga suliraning pangkalusugang pang-isipan, na ang ilan sa mga ito ay pangkaraniwan, katulad ng depresyon at dipersensiyang pampag-aalala, at ang ilan ay hindi naman pangkaraniwan, katulad ng iskisoprenya at disordeng bipolar.[5]

Sa pinaka kamakailan lamang, ang larangan ng Kalusugang Pang-isipan na Pangglobo ay lumitaw, na binigyan ng kahulugan bilang ang pook ng pag-aaraln, pananaliksik at pagsasagawa na naglalagay ng isang pagpapauna sa pagpapainam ng kalusugang pang-isipan at pagkakamit ng pagkamarapat ng kalusugang pang-isipan para sa lahat ng mga tao sa buong mundo.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 About.com (2006, July 25). What is Mental Health?. Nakuha noong Hunyo 1, 2007, mula sa About.com Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine.
  2. Princeton University. (Hindi nalalaman ang pagsasapanahon). Nakuha noong Hunyo 1, 2007, mula sa Princeton.edu[patay na link]
  3. World Health Organization (2050). Promoting Mental Health: Concepts, Emerging evidence, Practice: A report of the World Health Organization, Department of Mental Health and Substance Abuse in collaboration with the Victorian Health Promotion Foundation and the University of Melbourne. World Health Organization. Geneva.
  4. World Health Report 2001 - Mental Health: New Understanding, New Hope, World Health Organization, 2001
  5. Kitchener, BA & Jorm, AF, 2002, Mental Health First Aid Manual. Centre for Mental Health Research, Canberra, pahina 5.
  6. Patel, V., Prince, M. (2020). Global mental health - a new global health field comes of age. JAMA, 303, 1976-1977.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalusugan at Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.