Sakit sa pag-iisip

(Idinirekta mula sa Diperensiyang pang-isipan)

Ang sakit sa pag-iisip, pagka-sira ng ulo o diperensiya sa pag-iisip (Ingles: mental illness o mental disorder) ay isang karamdaman sa isipan na nagdudulot sa isang indibidwal na magkaroon ng pag-aasal, pakiramdam o personalidad na itinuturing na hindi bahagi ng normal na pag-unlad sa isipan ng isang normal na indibidwal. Ang kapansanan o ang hindi kakayahan na mamuhay ng normal sa lipunan ay depende sa uri ng sakit sa pag-iisip ng isang indibidwal at sa ginagawang paraan upang magamot ito. Ang isang sakit sa pag-iisip na napabayaan ay maaaring magdulot ng paglala nito o panganib sa isang indibidwal at sa lipunan. Halimbawa, ang depresyon at ang diperensiyang bipolar na pinabayaan at hindi natugunan ng pansing medikal ay maaaring magtulak sa isang indibidwal na magpatiwakal. Ang sakit sa pag-iisip ay maaaring mamana mula sa isang magulang o kamag-anak, lumitaw dahil sa hindi normal na paggana ng mga neurotransmitter sa utak ng isang indbidwal, maging resulta ng mga pangyayari sa pagbubuntis o kapanganakan ng isang indibidwal o lumitaw sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga karanasan na nagdudulot ng trauma sa isang indibidwal.

Sakit sa pag-iisip
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian
Walong babae na kumakatawan sa mga dayagnosis sa pagka-sira ng ulo sa ika 19 siglo. (Armand Gautier)
ICD-10F.
MeSHD001523

Klasipikasyon ng mga sakit sa pag-iisip

baguhin

Sa kasalukuyan ay may dalawang nilikhang sistema para uriin ang mga sakit sa pag-iisip: ang Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM-IV) na nilikha ng American Psychiatric Association (APA) at ang ICD-10 Chapter V: Mental and behavioural disorders na bahagi ng International Classification of Diseases na nilikha ng Organisasyon ng Pandaigdigang Kalusugan (World Health Organization o WHO).

Sistemang multi-axial ng DSM-IV

baguhin

Ang DSM-IV ay nagpapangkat ng mga saykaytrikong dayagnosis sa limang dimensiyon o aksis na tumutukoy sa iba't ibang aspeto ng diperensiya o kapansanan:

  • Axis I: Mga diperensiyang klinikal kabilang ang karamihan ng mga sakit sa pag-iisip at diperensiya sa pagkatuto at diperensiya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot
  • Axis II: Mga diperensiya sa personalidad at kapansanang intelektwal (bagama't ang mga diperensiya sa pag-unlad gaya ng Awtismo ay isinama sa axis II ngunit ito ay kasama na ngayon sa axis I)
  • Axis III: Mga akyut na kondisyong medikal at mga pisikal na kapansanan
  • Axis IV: Psaykosoyal at pangkapaligirang mga paktor na nag-aambag sa sakit.
  • Axis V: Global na pagsusuri ng pagkilos o global na pagsusuri ng pagkilos para sa mga bata at tinedyer sa ilalim ng 18 taong gulang.

Common Axis I na mga diperensiya ay kinabibilangan ng depresyon, diperensiyang pagkabalisa, diperensiyang bipolar, ADHD, diperensiyang spektrum ng awtismo, anorexia nervosa, bulimia nervosa, at schizophrenia.

Common Axis II na mga diperensiya ay kinabibilangan ng: diperensiyang paranoid na personalidad, diperensiyang schizoid na personalidad, diperensiyang schizotypal na personalidad, diperensiyang borderline na personalidad, diperensiyang antisosyal na personalidad, diperensiyang narsisistiko na personalidad, diperensiyang histrioniko na personalidad, diperensiyang pag-iwas na personalidad, diperensiyang umaasa na personalidad, diperensiyang obsesibo-kompulsibo na personalidad; at mga kapansanang intelektwal.

Common Axis III na mga diperensiya ay kinabibilangan ng: pinsala sa utak at iba pang medial/pisikal na diperensiya na maaaring magpatindi ng mga umiiral na karamdaman at kasulukuyang sintomas. existing diseases or present symptoms similar to other disorders.

Mga sanhi ng sakit sa pag-iisip

baguhin

Ang isang sakit sa pag-iisip ay maaaring magmula sa kombinasyon ng mga dahilan. Ang isang karaniwang pinaniniwalaang pinanggalingan ng sakit sa pag-iisip ang genetiks na pinalala ng mga nakapagpapabalisang dahilan na nakukuha sa kapalagiran. Ang tawag sa teorya na ito ay Diathesis-stress model. Sa mga pagsasaliksik, ang mga genes na namamana ng isang anak sa isang magulang na may sakit sa pag-iisip ay may malaking papel sa paglikha ng sakit sa pag-iisip sa isang indibdwal. Bukod dito, ang ilang pang dahilan na pininiwalaang sanhi ng sakit sa pag-iisip ang: mga pangyayari sa kapaligiran na nangyayari sa pagbubuntis at pagsilang ng isang indibidwal; mga trawmatikong pinsala sa utak gaya ng malakas na pagkakabangga o pagkakabagok sa ulo ng tao; ang hindi normal na paggana ng neurotransmitter sa utak kabilang ang serotonin, norepinephrine, dopamine at glutamate; pagkakaiba ng sukat ng ilang rehiyon ng utak at mga aktibidad nito; mga sikolohilikal na mekanismo ng isang indibidwal gaya ng kognitibo (pangangatwiran), mga emosyonal na proseso, personalidad at paraan ng pagtanggap sa isang mahirap na problema (coping mechanism); mga impluwensiyang panlipunan kabilang ang pang-aabuso, pananakot (bullying) at iba pang mga negatibo o nakakabalisang karanasan sa buhay gaya ng problema sa trabaho, kawalan ng suportang panlipunan, at paglipat sa bagong lugar.

Mga paraan ng paggamot

baguhin

May iba't ibang mga uri ng paggamot na ginagawa sa mga spesipikong sakit sa pag-iisp kabilang dito ang sikoterapiya, medikasyon (gamot), at Electroconvulsive therapy.

Sikoterapiya

baguhin

Ang Cognitive behavioral therapy (CBT) ay batay sa pagbabago ng mga paterno ng pag-iisip at pag-uugali na nauugnay sa isang partikular na diperensiya.

Medikasyon

baguhin
 
Ang antidepresant na Zoloft sa 25 mg at 50 mg na mga tableta. Ang Zoloft ang antidepresant na may pinakamaraming reseta na isinulat ang mga doktor sa Estados Unidos noong 2007

Ang mga antidepresant ay ginagamit sa paggamot ng depresyon pati na rin sa pagkabalisa (anxiety) at iba pang mga sakit. Ang ansiyolitiko (pampakalma) ay ginagamit para sa mga sakit na pagkabalisa (anxiety) at mga kaugnay na mga problema tulad ng insomya. Ang pampanatag ng damdamin (mood stabilizer) ay ginagamit sa diperensiyang bipolar. Ang antisikotiko ay ginagamit para sa mga diperensiyang sikotiko tulad ng eskisoprenya. Ang mga pampagising (stimulant) ay karaniwang ginagamit sa sakit na ADHD.

Terapiyang elektrokonbulsibo

baguhin

Ang electroconvulsive therapy (ECT), dating kilala bilang electroshock, ay isang sikiyatrikong paggamot kung saan ang mga seizure ay nililikha gamit ang elektrisidad. Ito ay isang opsiyon sa kaso ng depresyon na hindi tumutugon sa mga medikasyon at sikoterapiya.

Epidemyolohiya

baguhin

Ang mga sakit sa pag-iisip ay karaniwan. Sa buong mundo, ang isa sa tatlong mga tao sa karamihan ng mga bansa ay may ulat na mga kriteria sa isang sakit sa pag-iisip.[1] Sa Estados Unidos, ang dami ng mga spesipikong sakit sa pag-iisip ay: diperensiya ng pagkabalisa (anxiety disorder) (28.8%), diperesensiya ng damdamin (mood disorder) (20.8%), impulse-control disorder (24.8%) at pagabuso ng droga (14.6%)[2][3][4]

Sa Pilipinas

baguhin

Sa Pilipinas, mayroong 46 outpatient (hindi kailangan manatili sa hospital) na mga pasilidad para sa kaisipang pangkalusugan. Ang mga pasilidad na ito ay gumagamot ng 124.3 kada 100,000 ng populasyon. Sa mga ginagamot, ang kababaihan ay binubuo ng 43% at ang mga bata o tinedyer ay binubuo ng 8%. Ang mga pangunahing dayagnosis sa mga pasilidad na ito ay: Eskisoprenya at mga kaugnay na sakit (57%) at diperensiya ng damdamin (mood disorder) (19%).[5] Ang National Center for Mental Health sa Pilipinas ay matatagpuan sa Nueve de Febrero St., Mandaluyong City.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. WHO International Consortium in Psychiatric Epidemiology (2000) Cross-national comparisons of the prevalences and correlates of mental disorders Bulletin of the World Health Organization v.78 n.4
  2. Kessler RC, Berglund P, Demler O, Jin R, Merikangas KR, Walters EE (Hunyo 2005). "Lifetime prevalence and age-of-onset distributions of DSM-IV disorders in the National Comorbidity Survey Replication". Arch. Gen. Psychiatry. 62 (6): 593–602. doi:10.1001/archpsyc.62.6.593. PMID 15939837.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. Kessler RC, Chiu WT, Demler O, Merikangas KR, Walters EE (Hunyo 2005). "Prevalence, severity, and comorbidity of 12-month DSM-IV disorders in the National Comorbidity Survey Replication". Arch. Gen. Psychiatry. 62 (6): 617–27. doi:10.1001/archpsyc.62.6.617. PMC 2847357. PMID 15939839.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. US National Institute of Mental Health (2006) The Numbers Count: Mental Disorders in America Naka-arkibo 1999-10-09 sa Wayback Machine. Retrieved Mayo 2007
  5. Mental health in the Philippines, World Health Organization

Mga kawing panlabas

baguhin