Kalye Maceda
Ang Kalye Maceda (Ingles: Maceda Street, na kilala rin sa ngalang Kalye Antonio Maceda) ay isang kalyeng panlungsod sa distrito ng Sampaloc sa Maynila, ang kabesera ng Pilipinas. Dumadaan ito mula hilagang-kanluran pa-timog-silangan, mula Daang Dimasalang hanggang Kalye Matimyas. Pinangalanan ito mula kay Antonio Maceda, ang dating tagapamahala ng mga paaralan sa Maynila. Dati itong tinawag na Calle Washington.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.