Mansanilya (kamomile)
Ang kamomile o mansanilya[1] (Ingles: chamomile o camomile; mula sa Griyego χαμαίμηλον, chamaimēlon) ay tumutukoy sa anuman at ilang magkakaibang mga uring kabilang sa pamilya ng mga mirasol (Asteraceae).
Mga dating katawagan
baguhinTinawag itong mansanas ng lupa (mula sa Ingles na "ground apple") ng Sinaunang mga Griyego dahil sa amoy nito. Tinawag naman itong maythen ng mga Anglo-Saksono, na isa sa siyam na mga banal na yerbang ibinigay sa mundo ng Diyos na si Woden. Karaniwang kilala sa pangalan matricaria ang Alemang kamomile dahil sa isa itong yerbang hinekolohikal.[2]
Gamit
baguhinMaaaring ihanda bilang tsaa ang bulaklak ng mansanilyang ito na nakapagpapahinahon ng daanan ng pagkain sa katawan, nakapagpapakalma ng damdamin at nakapagdurulot ng mahimbing na pagtulog. Nagagamit din ito sa paggamot ng mga di-lubhang mga pangangati sa balat, katulad ng Matricaria recutita. Bilang isang yerbang may katangiang panlunas, nakapagpapagaling din ito ng labis na pag-utot.[1]
Mga uri
baguhin- Kamomileng Aleman o Mansanilyang Aleman (Matricaria recutita, o Matricaria chamomilla), karaniwang ginagawang yerbang tsaa.
- Romanong kamomile o Mansanilyang Romano (Chamaemelum nobile, o Anthemis nobilis), ang kamomileng "pambakuran".
- Mabahong kamomile o Mansanilyang mabaho (Anthemis cotula); kabilang ang ilang mga uri ng Anthemis.
- Kamomileng ligaw, Mansanilyang ligaw, o pinyang damo (Matricaria discoidea)
Pagtatanim
baguhinMas tumutubo at lumalago ang mansanilyang ito sa maaraw o may-bahagyang silong na lugar, mamasa-masang pook, may liwanag, at lupaing napaglalagusan agad ng tubig na idinilig. Hindi ito gaanong nagtatagal sa mga rehiyong tuyo at mainit (kaya't ginagamit na pamalit sa mga ito ang Cotula squalida sa ganitong uri ng mga pook). Itinatanim ang mga buto sa maagang tag-sibol o huling panahon ng tag-lagas. Kapag napayabong at tumatag na ang mga halaman, dadami ang mga ito at maaaring hatiin upang makakuha ng mga bagong pananim.[3]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Mansanilya". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ody, Penelope (1993). "Chamomile". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 47. - ↑ "How to Grow Herbs - Chamomile". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-21. Nakuha noong 2008-07-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)