Utot

(Idinirekta mula sa Pag-utot)

Ang utot[1] (Ingles: flatulence, flatus, fart) ay ang hanging lumalabas o sumisingaw mula sa butas ng puwit ng tao o hayop. Nagkakaroon ng kabag (tympanites sa Ingles, mula sa Griyegong τύμπανο o "tambol") ), ang pamimintog o paglobo ng tiyan dahil sa pagtataglay at pagkakaipon ng hangin sa loob ng tiyan.[2] Samantala, tinatawag namang meteorismo kapag namintog o lumobo ang bituka dahil sa pagkakaipon ng hangin sa loob nito. Nakakaapekto ang meteorismo sa normal na paghinga ng tao.[3] Kapwa nagaganap ang kabag at meteorismo sa loob ng landasing gastrointestinal.

Mga sanhi

baguhin

Kabilang sa maaaring maging sanhi ng meteorismo at kabag ang mga sumusunod:

  • Bara sa bituka
  • Mga bato sa bato
  • Kasiraan sa tungkulin ng bahagi ng katawan (disordeng punksyonal)
  • Labis na pagkain
  • Labis na paglaki o pagdami ng bakterya
  • Pamamaga ng bituka
  • Sobra sa pagkain ng matatabang pagkain gaya ng taba ng baboy na nagdudulot ng mabagal na pagtunaw ng pagkain sa loob ng tiyan

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Utot". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Tympanites, kabag - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Robinson, Victor, pat. (1939). "Meteorism". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 504.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.