Kampanyang pangmilitar
Sa mga agham na pangmilitar, ang katagang kampanyang pangmilitar (Ingles: military campaign) ay mailalapat sa plano ng estratehiyang pangmilitar na pangmalawakan, pangmatagalan, at makahulugan o makabuluhan nagsasama ng isang serye ng magkakaugnay na mga operasyong pangmilitar o mga pakikihamok o pakikilaban na bumubuo ng isang namumukod na bahagi ng isang mas malaking hidwaan na kadalasang tinatawag na digmaan. Hinango ang kataga magmula sa kapatagan ng Campania, isang lugar na ginagamit ng mga hukbong katihan ng Republikang Romano para magsagaw ng taunang mga operasyon na pangpanahon ng digmaan.
Kahulugan
baguhinNagpapahiwatig ang kampanyang pangmilitar ng panahon kung kailan ang isang puwersang pangmilitar ay nagsasagawa ng mga operasyong pangkombat sa loob ng isang ibinigay na pook. Ang pook ay tinatawag na pook ng operasyon. Maaaring isakatuparan ang isang kampanyang pangmilitar sa pamamagitan ng isang nag-iisang serbisyong armado o kaya sa pamamagitan ng isang pinagsanib na mga kampanyang pangserbisyo na isinasagawa ng mga puwersang panlupa, pandagat, panghimpapawid, cyber, at pangkalawakan.
Layunin
baguhinAng layunin ng kampanyang pangmilitar ay ang makapagkamit ng isang partikular na minimithing kalutasan ng isang hidwaang pangmilitar; ang kalutasang ito ang layuning pang-estratehiya ng kampanyang ito. Kabilang sa mga sagabal sa kampanyang pangmilitar ang mga napagkukunan ng tauhan at kagamitan, heograpiya, at/o klima o taya ng panahon. Ang kampanya ay sinusukat na nakaukol sa teknolohiyang ginamit ng mga taong nasa pakikidigma upang makamtan ang mga layunin.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Militar at Digmaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.