Hukbong himpapawid

(Idinirekta mula sa Hukbong panghimpapawid)

Ang hukbong himpapawid ay ang sangay ng militar ng isang bansa na lumalaban habang nasa himpapawid. Binubuo ang puwersang panghimpapawid ng mga eruplanong katulad mga eruplanong pandigma at mga eruplanong pambomba. Maaari rin may mga helikopter ang isang hukbong himpapawid. Ang pinakamalaking puwersang panghimpapawid ay ang Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos o ang United States Air Force (USAF). May ilang mga hukbong dagat na may sarili nilang mga hukbong himpapawid. Lumilipad ang mga eruplano ng hukbong panghimpapawid ng isang hukbong dagat magmula sa mga barkong paliparan (aircraft carrier) na nasa dagat.

Militar Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.