Kanal ng Suez
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Agusan ng Suez ay isang daanang tubig sa Ehipto, na naghihiwalay sa mga kontinente ng Asya at Aprika. Nagawa ito noon pang panahon ng Lumang Ehipto at muling itinayo, simula noong 1859.[1] Isa sa muling nagpatayo si Ferdinand de Lesseps, isang Pranses at muling binuksan noong 1869. May haba itong 193.3 km[2] na nagdurugtong sa Dagat Mediteranyo, Golpo ng Suez, Dagat Pula at Karagatang Indiyan. Ito ay ginagamit para sa mga barkong may dalang kalakal.
Ang kahalagahan nito sa pandaigdigang ekonomiya ay nag-uugat sa mas mabilis na paglalakbay ng mga barkong dumadaan sa agusang ito.[3] Nagsisilbi itong direktang ruta mula sa Hilagang Atlantic patungo sa hilaga ng Karagatang Indiyo, anupat napaiikli ang distansya ng humigit-kumulang 8,900 kilometro (5,500 milya), o mga 8 hanggang 10 araw na paglalakbay.[4]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ehipto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "1911 Encyclopædia Britannica/Lesseps, Ferdinand de - Wikisource, the free online library". en.wikisource.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Suez Canal, Egypt - Image of the Week - Earth Watching". earth.esa.int. Nakuha noong 2023-10-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Economic Impacts of the New Suez Canal". www.iemed.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ World Shipping Council (22 Abril 2018). "The Suez Canal – A vital shortcut for global commerce" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 22 Abril 2018. Nakuha noong 19 Oktubre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)