Kanggrena
Ang kanggrena[1] o ganggrena (Ingles: gangrene) ay isang seryoso at potensiyal na kundisyong nakapagpapanganib ng buhay na lumilitaw kapag ang isang mapakukundanganan o mawawaring masa ng tisyu ng katawan ng tao ang namatay (nekrosis) na.[2][3] Maaari itong maganap pagkaraan ng isang kapinsalaan o impeksiyon, o sa mga taong nakakaranas ng anumang kronikong suliranin sa kalusugan na nakakaapekto sa sirkulasyon ng dugo.[3] Ang pangunahing sanhi ng kanggrena ay ang nabawasang pagpunta at taglay na dugo sa naapektuhang mga tisyu, na nagreresulta sa kamatayan ng selula.[4] Ang diabetes at matagal na panahon ng paninigarilyo ay nakapagpapataas ng panganib ng pagkakaroon ng kanggrena.[3][4]
Mayroong iba't ibang mga uri ng kanggrena na may iba't ibang mga sintomas, katulad ng kanggrenang tuyo, kanggrenang basa, kanggrenang hangin, kanggrenang panloob at necrotising fasciitis.[2][3] Ang mapipiling mga paglulunas ay kinabibilangan ng pagtatanggal ng patay na, napinsala, at naimpeksiyong tisyu upang mapainam ang potensiyal na paggaling ng natitirang malusog na tisyu (tinatawag na debridement sa Ingles), o sa malulubhang mga kaso, ang amputasyon (pagputol o pagtatanggal) ng naapektuhang mga bahagi ng katawan, paggamit ng antibiyotiks, siruhiyang baskular, terapiyang may uod o terapiya ng hiperbarikong oksiheno.[5]
Mga sanhi
baguhinAng kanggrena ay dulot ng impeksiyon o iskemya, katulad ng dahil sa bakteryang Clostridium perfringens[6] o dahil sa trombosis (isang nabarahang daluyan ng dugo). Karaniwang itong resulta ng kritikal na pagkakaroon ng sapat na dugo (iyong periperal na karamdamang baskular at kadalasang may kaugnayan sa diabetes at matagal na panahon ng paninigarilyo. Ang kalagayang ito ay pinaka karaniwan sa pang-ibabang mga sanga ng katawan. Ang pinaka mabisang lunas para sa kanggrena ay ang rebaskularisasyon (iyong pagpapanumbalik o restorasyon ng daloy o agos ng dugo) sa organong apektado, na nakapagpapatumbalik o nakapipigil sa ilang mga epekto ng nekrosis o pagkamatay ng bahaging naapektuhan at nakapagpapahintulog ng paggaling. Kabilang sa iba pang mga lunas ang pagtatanggal ng namatay, napinsala, o naimpeksiyong bahagi at amputasyon sa pamamagitan ng siruhiya. Ang paraan ng pagbibigay ng lunas, sa pangkalahatan, ay napag-aalaman batay sa lokasyon ng naapektuhang tisyu at lawak ng pagkawala ng tisyu. Ang kanggrena ay maaaring lumitaw bilang isang epekto ng paggagapos ng paa, isang sinaunang kaugaliang Intsik na isinasagawa upang maiwasan ang karagdagan pang paglaki ng mga paa ng mga batang babae.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ What is the definition of gangrene? In english tagalog dictionary, "gangrene" is "kanggrena".[patay na link]
- ↑ 2.0 2.1 Porth, Carol (2007). Essentials of pathophysiology. Lippincott Williams & Wilkins. p. 41. ISBN 9780781770873. Nakuha noong 2010-06-15.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 "Gangrene – Introduction". NHS Health A–Z. NHS. Nakuha noong 2010-06-15.
{{cite web}}
: Cite has empty unknown parameter:|coauthors=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Gangrene – Causes". NHS Health A–Z. National Health Service (England). Nakuha noong 2010-06-15.
{{cite web}}
: Cite has empty unknown parameter:|coauthors=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gangrene – Treatment". NHS Health A–Z. National Health Service (England). Nakuha noong 2010-06-15.
{{cite web}}
: Cite has empty unknown parameter:|coauthors=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Clostridium as cause for gangrene
Ang lathalaing ito na tungkol sa Karamdaman at Kalusugan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.