Sistemang sirkulatoryo

(Idinirekta mula sa Sirkulasyon ng dugo)

Ang sistemang sirkulatoryo, sistemang pangsirkulasyon, sistemang pangkalat, sistemang pampalaganap o sistemang kardiyobaskular (Ingles: circulatory system o cardiovascular system) ay isang organong nagdadala at nagkakalat ng mga sustansiya, mga hangin, at dumi patungo at mula sa mga selula, at tumutulong sa pagpapanatili ng antas ng temperatura at pH upang makalinga ang homeostasis. Habang ang mga tao, maging ang ibang mga bertebrado ay may saradong sistemang sirkulatoryo, ang ilang mga grupo ng imbertebrado ay may bukas na sistemang sirkulatoryo. Ang lapi o phyla, na isang pinakakatutubo o isinaunang hayop, ay walang mga sistemang sirkulatoryo.

Ang sistemang sirkulatoryo ng tao. Ipinapakita ng pula ang dugong mahaluan ng oxygen (o oxygenated), ipinapikita naman ng bughaw ang dugong nawalan ng oxygen (o deoxygenated).

Sistemang sirkulatoryo ng tao!

baguhin

Ang mga pangunahing kayarian ng sistemang sirkulatoryo ng tao ay ang puso, ang dugo, at ang mga sisidlan ng dugo.

Bilang karagdagan, ang mga kayariang ito ay maaaring maging kabilang sa sirkulasyong sistemiko o sa sistemang pulmonaryo. Ang sirkulasyong sistemiko ang siyang pangunahing bahagi ng sistemang sirkulatoryo, samantalang ang sistemang pulmonaryo ang siyang nagbibigay ng oksiheno sa dugo.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.