Kanoli
- Huwag itong ikalito sa kanulo.
Ang kanoli, kanolo, o kanolu (mula sa Ingles at Sisilyanong cannolo [isahan], cannolu [isahan], at cannoli [maramihan], nangangahulugang "maliit na tubo" o "munting tubo") ay isang uri ng tinapay, pastelerya, o empanadang pangminandal. Nagmula ang pangalang ito sa Lating canna o tambo. Nagmula ito sa Sisilya at isang mahalagang bahagi ng lutuing Sisilyano. Tanyag din ito sa lutuing Italyanong Amerikano at kilala sa Amerika bilang isang Italyanong pastelerya[1], bagaman espesipikong may simulaing Sisilyano.
Binubuo ang kanoli ng hugis tubong kabibe ng pinirituong masa ng tinapay, na pinalamanan ng matamis at makremang laman na kalimitang nilalagyan ng kesong rikota (o pinatamis na maskarpone, ngunit hindi kinaugalian, na hinaluan ng ilang mga kumbinasyon ng banilya, tsokolate, pistasiyo, alak na Marsala, tubig-rosas, o iba pang mga pampalasa. May ilang mga kusinerong nagdaragdag ng tinadtad na sukada o succade o pinagpirapirasong mga tsokolate. Nasasakop ng mga sukat nito ang mula sa kanulitsi (mula sa cannulicchi) na hindi lalaki kaysa isang daliri, magpahanggang sa kasinlaki ng kamaong tipikal na matatagpuan sa Piana degli Albanesi, timog ng Palermo, Sisilya. Minsang matatagpuan din ang kanoling may mga kabibeng isinawsaw sa tsokolate, bilang dagdag sa pagiging pinunuan ng palaman.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Cannoli Naka-arkibo 2009-02-17 sa Wayback Machine., Italian food, About.com
Mga kawing panlabas
baguhin- Paraan ng pagluluto ng Cannoli Naka-arkibo 2009-05-19 sa Wayback Machine., mula sa Epicurious.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.