Kapangyarihang Alyados (Unang Digmaang Pandaigdig)
Ang Mga Alyansa o Kapangyarihang ng magkaka-alyansa ay nagsimula sa panahon ni Bismarck. Nalaman niya na nagbabalak ipaghiganti ng Pransiya ang inabot na kahihiyan sa digmaang Prangko-Pruso. Nakatitiyak ang Alemanya na hindi aatake ang Pransiya nang walang katulong, pumayag siyang makipag-alyansa sa Austria-Hungary at Rusya noong 1881, nang sumunod na taon binuo ng Triple Alliance na kinapapalooban ng mga bansang Austria-Hungary at Italya.
Pagkatapos ng pagbibitiw ni Bismarck noong 1890, ipinakilala ni Kaiser Wilhelm II ang kanyang sariling mga patakaran. Pinangalagaan niya ang Triple Alliance ngunit tinapos na ng Alemanya ang kanyang kasunduan sa Rusya, kaya malaya ang Rusya na humanap ng bagong kaalyansa.
Noong 1914, nang sumabog ang Unang Digmaang Pandaigdig, laban sa isang panig ang Alemanya at Austria-Hungary. Nakilala ito na Kapangyarihang Sentral.