Kapansanan sa pagkatuto
Ang kapansanan sa pagkatuto (sa Ingles: learning disability) ay isang pag-uuri na kinabibilangan ng ilang bahagi ng gumagana na kung saan ang isang tao ay nahihirapan matuto sa tipikal na paraan, madalas dulot ng mga hindi malamang dahilan. Dahil lang “nahihirapan matuto sa tipikal na paraan”, hindi nito isinasantabi ang kakayahan ng tao na matuto sa ibang paraan. Samakatuwid, ang ibang tao ay mas angkop na ilarawan na may pagkakaiba sa pagkatuto, nang gayon naiiwasan ang maling kuro-kuro sa pagiging may kapansanan sa pagkukulang sa kakayahang matuto at mga posibleng negatibong pagkakahon.
Habang ang pagkakaroon ng kapansanan sa pagkatuto, sakit sa pagkatuto, at paghihirap sa pagkatuto ay madalas ginagamit ng papalit-palit, naiiba sila sa maraming paraan. Ang sakit ay tumutukoy sa problema sa pagkatuto na pang-akademya. Gayunman, hindi pa rin sapat ang mga problemang ito upang makakuha ng opsiyal na pagsiyasat. Samantala, ang kapansanan sa pagkatuto ay isang opisyal na klinikal na diyagnosis, kung saan ang tao ay pasok sa mga paglalarawan, ayon sa pagpasiya ng isang propesyonal (sikolohista, pedyatrisyan, atbp.). Ang pagkakaiba ay sa antas, dalas, at tindi ng mga sintomas at problema, kaya ang dalawa ay hindi dapat napagpapalit. Kung ang “sakit sa pagkatuto” ang ginamit, inilalarawan nito ang grupo ng mga sakit na kinikilala sa pamamagitan ng kulang sa pag-unlad sa tiyak na kasanayang pang-akademya, [[wika], at pagsasalita. May iba’t ibang uri ng sakit sa pagkatuto tulad ng pagbasa (dyslexia), matematika (dyscalculia) at pagsulat (dysgraphia).
Ang hindi-malamang sanhi ang sakit na umaapekto sa kakayahan ng utak na tumanggap at sumuri ng impormasyon. Ang sakit na ito ay nagbibigay-hirap sa pagkatuto ng tao sa parehong bilis o paraan tulad ng sa taong hindi apektado ng sakit sa pagkatuto. Ang mga taong may sakit sa magkatuto ay nahihirapan sa pagsasagawa ng mga tiyak na kasanayan o pagkumpleto ng mga gawain kung sila ay pabayaan na gawin ito mag-isa o kung sila ay tinuruan sa tipikal na pamamaraan.