Kapansanang seksuwal
Ang kapansanang seksuwal, depektong seksuwal o kapansanang pampagtatalik (Ingles: sexual dysfunction o sexual malfunction) ay ang kawalan ng kakayahan na makilahok o masiyahan sa pakikipagtalik o ibang gawaing seksuwal.[1] Ito ay ang kahirapan na nararanasan ng isang indibdidwal o isang magkapareha habang nagaganap ang anumang yugto ng isang normal na gawaing seksuwal, kasama na ang kasarapang pisikal, pagnanais, kagustuhan (preperensiya), pagkaantig o orgasmo. Ayon sa DSM-5, ang dispunksiyong seksuwal ay nangangailangan na ang isang tao na makaramdaman ng masidhing kagipitan at puwersang interpersonal sa loob ng hindi hihigit sa 6 na mga buwan (hindi kabilang ang kapansanang seksuwal na dahil sa gamot o ibang substansiya).[2] Ang mga depektong pampagtatalik ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa hinihiwatigang kalidad ng buhay na seksuwal ng isang tao.[3]
Sexual dysfunction (kapansanang seksuwal) | |
---|---|
Espesyalidad | Sikiyatriya |
Napaka mahalaga ang pusupusang pagkuha ng kasaysayang seksuwal at pagsusuri ng pangkalahatang kalusugan at iba pang mga problemang seksuwal (kung mayroon). Ang pagtataya ng pag-aalala (sa pagganap), pakiramdam ng pagkakasala, kabigatan (stress), at pagkabalisa ay integral (kinakailangan) sa optimal (pinakamainam) na pangangasiwa ng kapansanang seksuwal. Marami sa mga depektong pampagtatalik na nailarawan na ay nakabatay sa siklo ng pagtugong seksuwal ng tao, na iminungkahi nina William H. Masters at Virginia E. Johnson, na bahagyang binago ni Helen Singer Kaplan.[4][5]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 568.
- ↑ Nolen-Hoeksema, Susan (2014). Abnormal Psychology. 2 Penn Plaza, New York, NY 10121: McGraw-Hill. pp. 366-367. ISBN 978-1-259-06072-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link) - ↑ Eden, K.J., & Wylie, K.R. (2009). Quality of sexual life and menopause. Women’s Health, 5 (4), 385-396. doi:10.2217/whe.09.24
- ↑ Masters, W. H. & Johnson, V. E. (1970). Human Sexual Inadequacy. Boston: Little, Brown, & Co.
- ↑ Kaplan, H. S. (1974). The New Sex Therapy: Active Treatment of Sexual Dysfunctions. New York: Brunner/Mazel, Inc.