Kapeng barako
Ang kapeng barako o barako ay isang uri ng kape na tumutubo sa Pilipinas, lalu na sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite. Mula ito sa uring Coffea liberica,[1] subalit ginagamit din ang pangalang ito sa lahat ng kapeng galing sa mga lalawigang nabanggit. Nagmula ang salitang "barako" mula sa salitang ginagamit para sa lalaking hayop.
Kasaysayan
baguhinNoong kalagitnaan ng Dekada '90 tinamaan ng sakit na "Hemileia vastatrix" ang mga plantasyon ng kape sa Pilipinas na nagdulot sa pabagksak ng industriya ng paggawa ng Kape Barako. Nakaapekto rin ang mga kapeng nagmumula sa Timog Amerika at Biyetnam.[2] Dahil dito, napilitang lumipat sa ibang mga halaman ang mga nagtatanim nito kaya't halos maubos ang lahi ng kape.[3] Kasalukuyang sinusubukang buhayin muli ang ugaling pagtatanim nito.[4]
Mga katangian
baguhinItininimpla ang kape sa pamamaraang "French press" o ang pagbuhos ng mainit na tubig sa mga dinurog sa piraso ng kape na nasa loob ng isang tela. Kadalasang ginagamitan ng pampatamis ang kape, gaya ng pulot o kayumangging asukal. Maaring gamitin ang Kape Barako sa paggawa ng espresso. Maliban sa pagiging inumin, ginagamit din ang kape para sa mga ispa.[5]
Mga pangalan sa pamilihan
baguhin- Batanggas Brew
- Cafe de Lipa
- Figaro
- Kape Amadeo
- Siete Barako
Mga sanggunian
baguhin- ↑ About Barako Coffee, inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-22, nakuha noong 2007-01-25
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Philippine Coffee - Barako, nakuha noong 2007-01-25
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gutierrez, Tuesday, Save the Barako Coffee, inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-04, nakuha noong 2007-01-25
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Help Us Save the Barako, inarkibo mula sa orihinal noong 2007-01-23, nakuha noong 2007-01-25
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yoon, Rowena dela Rosa, "Well-being" Mania Goes Tropical, nakuha noong 2007-01-25
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)