Ang mga kapilaryo o mga maliliit na ugat (Ingles: capillary) ay ang pinaka maliliit na mga lalagyan o sisidlan ng dugo ng isang katawan at mga kabahagi ng mikrosirkulasyon. Ang mga hanay o aporong endotelyal ng mga ito ay mayroong kapal na isang sapin ng selula lamang. Ang mga mikrobesel (maliliit na mga lalagyan) na ito, na mayroong sukat na 5-10 μm ang diyametro, ang nagkukunekta ng mga arteryol at ng mga benyul, at nakapagpapasagawa ng pagpapalitan ng tubig, oksiheno, dioksidong karbon, at maraming iba pang mga nutriyente at sustansiyang kimikal na dumi sa pagitan ng dugo at nakapaligid na mga tisyu.[1] Sa panahon na nagaganap ang pag-unlad ng embriyo, ang bagong mga kapilaryo ay nabubuo sa pamamagitan ng baskulohenesis, na proseso ng pagbubuo ng lalagyan ng dugo na nagaganap sa pamamagitan ng produksiyong de novo ng mga selulang endotelyal at ng kanilang pagkakabuo upang maging mga tubong baskular.[2] Ang katagang anhiyohenesis ay nagpapahiwatig ng pormasyon ng bagong mga kapilaryo magmula sa dati nang umiiral na mga sisidlan ng dugo.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Maton, Anthea; Jean Hopkins, Charles William McLaughlin, Susan Johnson, Maryanna Quon Warner, David LaHart, Jill D. Wright (1993). Human Biology and Health. Englewood Cliffs, New Jersey: Prentice Hall. ISBN 0-13-981176-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)[pahina kailangan]
  2. John S. Penn (11 Marso 2008). Retinal and Choroidal Angiogenesis. Springer. pp. 119–. ISBN 978-1-4020-6779-2. Nakuha noong 26 Hunyo 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Endoderm -- Developmental Biology -- NCBI Bookshelf". Nakuha noong 2010-04-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Tao at Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.