Captain Boom

(Idinirekta mula sa Kapitan Boom)

Si Captain Boom ay isang kathang-isip na karakater sa komiks na lumalaban sa krimen na nilikha ni Mars Ravelo at ginuhit ng kanyang anak na si Ric Ravelo. Unang lumabas si Captain Boom sa United Komiks ng PSG Publising House noong 1966.[2][3] Nang naipakilala ang karakter sa telebisyon, pinalitan ang pangalan niya sa Kapitan Boom na tinagalog ang salitang Ingles na captain.

Captain Boom
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaPSG Publishing House[1][2]
Unang paglabasUnited Komiks (1966)[2][3]
TagapaglikhaMars Ravelo
Ric Ravelo
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanLance Mercado
EspesyeTao
Kasaping pangkatIsang Lakas[4]
Kilalang alyasKapitan Boom
KakayahanPaglipad
Higit-sa-taong bilis
Pinahusay na pandinig
Sonikong kakayahan tulad ng sonic shield (sonikong pananggalang at sonic roar (sonikong ugong)

Balangkas ng karakter

baguhin

Si Captain Boom ay superhero na lumalaban sa krimen na nakakalipad at may isang higit-sa-taong bilis.[5][6] Mayroon din siyang pinahusay na pandinig at may kakayahan din siya lumikha ng sonic shield (sonikong pananggalang) at sonic roar (sonikong ugong).[5][Note 1] Wala siyang higit-sa-taong lakas ngunit kapag gumagawa ng sonic shield sa kanyang kamao at suntukin ang isang sasakyan, maaring mayupi ito na hindi nasusugatan ang kanyang kamao. Nanggagaling ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng sonikong paraan.[5] Mayroon siyang kakayahang lumipad dahil sa paglikha ng daluyong ng tunog at sa gayon, hindi siya makakalipad sa kalawakan dahil walang tunog doon.[5][7]

Ang kanyang kasuutan ay binubuo ng pulang terno na may tatlong bituing sagisag sa kanyang dibdib at isang bughaw na kapa. Ang kanyang lola ang unang tumahi ng kanyang kasuutan gamit ang pulang damit at pantalon kasama ang panyo na may mga butas na nagsisilbing maskara.[5]

Sa ibang midya

baguhin

Noong 2008, tinanghal ang karakter ni Captain Boom sa Komiks Presents: Kapitan Boom, isang seryeng pantelebisyon na umere sa ABS-CBN.[8] Napalitan ang pangalan sa "Kapitan Boom" at ginampanan ito ni Jon Avila.[6] Ang kanyang alter-ego na si Lance Mercado ay ginampanan naman ni Jay-R Siaboc.[9]

Mga pananda

baguhin
  1. 1 Noong seryeng pantelebisyon ng 2008, ginamit ang mga katagang super shield at super boom imbis na sonic shield at sonic roar.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lent, John A. (Enero 24, 2014). Southeast Asian Cartoon Art: History, Trends and Problems (sa wikang Ingles). p. 47. ISBN 9780786475575.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Komixpage (2015-06-15). "KOMIXPAGE: Flash Bomba, Captain Boom and Tiny Tony". KOMIXPAGE (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "MARS RAVELO". SAILECINCO (sa wikang Ingles). 2016-12-10. Nakuha noong 2019-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Luis vows to meet challenges in 'Flash Bomba'". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2009-01-27. Nakuha noong 2019-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 "komikverse". komikverse.blogspot.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 Dimaculangan, Jocelyn (2008-03-31). "Jon Avila plays a fumbling superhero in "Kapitan Boom"". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Is there sound in space?". www.qrg.northwestern.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "'Kapitan Boom' star swings by Metro Gaisano stores". philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. 2008-06-21. Nakuha noong 2019-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Kapitan Boom cast members". PEP.ph (sa wikang Ingles). 2009-01-30. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-07-04. Nakuha noong 2019-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)