Kapulungang Pambansa (Pransiya)
Ang Kapulungang Pambansa (Pranses: Assemblée nationale) ay ang mababang kapulungan ng bicameral na Parlamento ng Pransiya sa ilalim ng Ikalimang Republika. Ang mataas na kapulungan ay ang Senado ("Sénat"). Ang mga kagawad ng Pambansang Kapulungan ay tinutukoy na députés o diputado.
Kapulungang Pambansa Assemblée Nationale | |
---|---|
Uri | |
Uri | |
Pinuno | |
Pangulo | Claude Bartolone, PS Simula 26 Hunyo 2012 |
Estruktura | |
Mga puwesto | 577 |
Mga grupong pampolitika | 7 Pangkat
|
Halalan | |
Two-round system | |
Huling halalan | 10 & 17 Hunyo 2012 |
Lugar ng pagpupulong | |
Palais Bourbon, Paris | |
Websayt | |
http://www.assemblee-nationale.fr/ |
May 577 députés, bawat isa'y ihinahalal ng mula sa bawat distrito. 289 upuan ang kinakailangan upang makamit ang mayorya. Ang pangulo ng kapulungan ang nanunungkulang tagapangulo na karaniwang nagmumula sa pinakamalaking partidong nakaupo, na tinutulungan ng mga pangalawang pangulo mula sa hanay ng mga kinatawan. Limang taon ang termino ng Kapulungang Pambansa, ngunit maaaring buwagin ng Pangulo ng Republika ang Kapulungan (na magpapatawag ng bagong halalan) hanggang labindalawang buwan bago matapos ang termino ng Kapulungan. Nagiging bihira ang paggamit ng Pangulo ng Republika ng kapangyarihang ito mula noong referendum noong 2000, nang bawasan ang termino ng pangulo mula pito hanggang limang taon na lamang: karaniwang nahahalal sa mayorya ang partido ng Pangulo, dalawang buwan matapos nitong maupo sa puwesto, nawawalang-saysay ang pagbuwag nito sa kapulungan sa ano mang dahilan.