Pangulo ng Pransiya
Ang Pangulo ng Republikang Pranses (Pranses: Président de la République française) ay ang tagapagpaganap na puno ng estado ng Ikalimang Republikang Pranses. Ang lahat ng kapangyarihan, gawain at tungkulin ng mga dating pampanguluhang tanggapan at ang kaugnayan nito sa unang ministro at ng gabinete ay paiba-iba sa ilalim ng mga naging saligang-batas ng Pransiya.
Pangulo ng Republikang Pranses | |
---|---|
Istilo | Kadakilaan |
Kasapi ng | Konseho ng mga Ministro European Council |
Tirahan | Palasyo ng Élysée |
Luklukan | Paris, Pransiya |
Haba ng termino | Limang taon Maihahalal muli na magkasunod |
Instrumentong nagtatag | Saligang-batas ng Ikalimang Republika |
Nabuo | 4 Oktubre 1958 |
Unang humawak | Louis-Napoléon Bonaparte 20 Disyembre 1848 |
Sahod | €14,910.31/buwan [1] |
Websayt | elysee.fr |
Ang Pangulo ng Pransiya ay siya ring ex-officiong Koprinsipe ng Andorra, Grand Master ng Légion d'honneur at Ordre national du Mérite at pandangal na proto-canon ng Basilika ni San Juan de Letran sa Roma.
Si Emmanuel Macron, na naupo sa puwesto noong 14 Mayo 2017 ang kasalukuyang Pangulo ng Republikang Pranses. Pinalitan niya si François Hollande.
Mga Pangulo ng Pransya
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Président de la République : 14 910 € bruts par mois, Le Journal Du Net