Konsehong Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa

Ang Konsehong Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa (Ingles: United Nations Security Council) ay isa sa anim na pangunahing organo ng mga Nagkakaisang Bansa na responsable sa pagtitiyak ng pandaigdigang kapayapaan at katiwasayan, pagrekomenda ng pagpasok ng mga bagong kasapi sa Asembleyang Pangkalahatan, at pag-apruba ng anumang pagbabago sa Karta. Habang nagbibigay lamang ng mga rekomendasyon ang ibang bahagi ng Mga Nagkakaisang Bansa sa mga kasabi nitong pamahalaan, may kapangyarihan ang Security Council na gumawa ng desisyon na dapat tuparin ng mga kasaping pamahalaan sa ilalim ng United Nations Charter. Kilala bilang UN Security Council Resolutions ang mga desisyon ng Kapulungan.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

baguhin