Eksoptalmikong bosyo

(Idinirekta mula sa Karamdamang Graves-Basedow)

Ang eksoptalmikong bosyo, eksoptalmikong buklaw, o eksoptalmikong goiter (Ingles: exophthalmic goiter[1] ay isang karamdamang may katangiang pagkakaroon ng pagsasama-sama ng hipertiroydismo, buklaw, at eksoptalmos (umuusling mga mata). Kilala rin ito bilang sindrom ni Basedow, karamdaman ni Basedow, o sakit ni Basedow (Basedow's syndrome[2], o Basedow's disease[1]) dahil kay Karl Adolph von Basedow, ang unang manggagamot na nakapaglarawan sa sakit na ito.[2] Tinatawag din itong karamdaman ni Parry (Parry's disease[1][2]), karamdaman ni Graves (Graves' disease[1][2]), karamdaman ni Begbie (Begbie's disease), karamdaman ni Flajani (Flajani's disease), sindrom na Flajani-Basedow (Flajani-Basedow syndrome), at karamdaman ni Marsh (Marsh's disease).[2] Nagbuhat ang mga kapangalanan nitong karamdaman ni Graves at karamdaman ni Parry mula sa mga tagapanimulang manunuri ng sakit na ito, na sina Robert James Graves at Caleb Hillier Parry. Batay naman ang iba pang mga katawagan para sa sakit mula kina James Begbie, Giuseppe Flajani, at Henry Marsh.[2] Hinango naman ang teknikal na katawagan para ritong eksoptalmikong bosyo dahil sa pagkakaroon ng pangkaraniwang mga abnormal na kundisyong kaugnay ng sakit nito: ang eksoptalmos o "pagluwa ng mga mata" at ang buklaw o bosyo, ang paglaki o pamamaga ng glandulang tayroyd.[1]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Robinson, Victor, pat. (1939). "Exophthalmic goiter, Basedow's disease, Grave's disesase". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 82, 294, at 295.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 synd/1517 sa Who Named It?

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.