Karl Adolph von Basedow
Si Karl Adolph von Basedow o Carl von Basedow (Marso 28, 1799 – Abril 11, 1854) ay isang Alemang manggagamot na kilala dahil sa pag-uulat ng mga tanda o sintomas na tinawag bilang karamdamang Graves-Basedow, na pangkasalukuyang teknikal na kinikilala bilang eksoptalmikong buklaw.[1]
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Basedow sa Dessau, Alemanya. Nagtapos siya mula Pamantasan ng Halle. Nagsimula siya bilang isang manggagamot na panlahat noong 1822. Maaga siyang nag-asawa at naging punong opisyal na manggagamot ng bayan, isang katungkulang ginampanan niya sa kabuoan ng kanyang buhay. Noong 1840, iniulat niya ang mga kalagayang kilala ngayon bilang karamdamang Graves-Basedow. Namatay siya sa Merseburg noong 1854 makaraang mahawa ng lagnat na may batik mula sa isang bangkay na kanyang hinihiwa at pinag-aaralan.[1]
Gawaing medikal
baguhinMayroon tatlong eponimong mga kundisyong pangpanggagamot: ang koma ni Basedow, isang tayreotoksikong koma; ang unilateral na retraksyon ng pang-itaas na talukap ng mata sa sindroma ni Basedow; at ang karamdamang Graves-Basedow, isang sakit na may katangiang tinatawag na "santatlo ni Merseburger" (Merseburger triad): ang hipertiroydismo, bosyo, at eksoptalmos. Iminungkahi ni George Hirsh ang katawagang "Karamdamang Basedow" sa loob ng kanyang sulating Klinische Fragmente.[1]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Karl Adolph von Basedow, mula sa WhoNamedIt.com
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.