Kasaysayang Deuteronomistiko
Ayon sa mga iskolar ang maagang mga anyo ng Aklat ng Deuteronomio na tinatawag na Kasaysayang Deuteronomistiko(Aklat ni Josue, Aklat ng mga Hukom, Mga Aklat ni Samuel, Mga Aklat ng mga Hari at karamihan ng mga panitikang propetiko(Aklat ni Isaias, Aklat ni Amos, Aklat ni Jeremias, Aklat ni Sofonias, Aklat ni Nahum) ay isinulat o inedit upang suportahan ang mga reporma ni Josias at upang ilarawan siya bilang isang matuwid na hari ng Kaharian ng Juda[1]
Ayon kay Martin Noth, ang may akda o isang pangkat ng mga may akda ng Kasaysayang Deuteronmistiko na isinulat mula ika-7 hanggang ika-5 siglo BCE nito ay isinulat ay upang ipaliwanag ang mga kamakailang pangyayari na pagbagsak ng Herusalem at pagpapatapon sa Babilonya ni Nabucodonosor II. Ang may akda nito ay naglalarawan kay Josue na isang dakilang hinirang ng Diyos, ang mga kuwento ng mga Hukom bilang isang siklo ng paghihimagsik at pagliligtas at ang kuwento sa Mga Aklat ng mga Hari na nagpapaliwanag sa pananakop ng mga dayuhan sa Israel at Juda at kalaunan ay ang pagkakawasak ng Templo ni Solomon at Herusalem ni Nabucodonosor II noong 586 BCE ay bilang kaparusahan ni Yahweh dahil pagsamba ng Israelita sa ibang mga Diyos maliban kay Yahweh.