Si Kasey Kahne (ipinanganak noong ika-10 ng Abril, 1980 sa Enumclaw, Washington) ay isang race car driver sa NASCAR's NEXTEL Cup Series. Sa kasalukuyan, siya ang nagmamanehi ng #9 Dodge Dealers/UAW Dodge Charger/Dodge Avenger para sa Gillett Evernham Motorsports kasama sina Scott Riggs at Ellior Sadler. Sa labas ng tracks, si Kahne ay aktibo sa kawang-gawa at kasapi sa President's Council on Service and Civic Participation. Siya rin ay may-ari ng kanyang sariling race team, ang Kasey Kahne Racing, na lumalahok sa World of Outlaws series, kung saan nilalahok niya ng isang kotse para kay Joey Saldana.

Si Kasey Kahne.

Sa larangan ng pangangarera

baguhin

Ang simula

baguhin

Nagsimula si Kahne sa pagkarera ng mga open wheel sprint cars sa Deming speedwa sa Deming, Wahington, bago siya umangat sa Skagit speedway sa Alger, Washington, at tapos noon ay muli siyang umangat sa USAC. Siya ay kinuha ni Steve Lewis na siya ring kumuha sa mga NASCAR drivers na sina Jeff Gordon at Kenny Irwin, Jr.. Sa kanyang unang taon sa circuit, napangalan siya bilang Rookie of the year, at nanalo din siya sa national midget championship. Pagtapos ng nasabing season, itinuloy niya ang paglahok sa USAC, at nasama din siya sa Toyota Atlantic Series at World of Outlaws.

Si kasey Kahne ay napabilang sa 20 starts ng Busch Series at minaneho niya ang #98 Channellock Ford Taurus para sa RObert Yates Racing. ANg kanyang pinakamagandang tapos ay sa ika-10 pwesto sa Cabela's 250. Sa 2003, napalitan ang kanyang minamaneho ng #38 Great Clips Ford para sa Akins Motorsports. Napanalunan niya ng kanyang unang pole sa Michigan International Speedway sa kanyang unang Busch race sa Ford 300. Siya rin ay nasama sa isang pares ng starts sa Craftman Truck Series habang minamaneho ang #2 Team ASE Racing dodge Ram para sa Ultra Motorsports, at nagwagi siya sa mga nasabing karera.

Karera sa Kopang NEXTEL

baguhin

Pinalitan ni Kahne si Bill Elliot sa #9 Dodge sa katapusan ng 2003 ng ihayag ni Elliot ang kanyang part-time schedule sa simula ng 2004 season. Dahil nmay kontrata pa si Kahne para sa Ford, nahabla siya ng magdesisyon siyang ng magdesisyon siyang pumunta sa Evenham kung saan siya ay nagmaneho ng kotseng sponsored ng Dodge. Sa kalaunan ay nakakuha ng pera ang Ford mula kay Kahne, na naging dahilan upang makapagmaneho siya para sa Dodge. Noong 2004, marami ang nasorperesa kay Kahne dahil sa katangi-tangi niyang ipinakita sa mga nilahukang karera, kung saan muntikan na siyang manalo sa ilan (kasama ang limang 2nd-place finishes at 13 top-fives). at nagwagi siya ng apat na poles at nakuha din niya ang Raybestos Rookie of the Year award. Siya ay lumahok sa 30 karera para sa Akins sa Busch Series, at nagtapos sa ika-15 pwersto sa puntos.

Nakuha niya ang kanyang unang Nextel Cup VIctory sa kanyang ikalawang season noong 2005 sa NASCAR, matapos ang matagumpay niyang pakikilahok sa CHevy American Revoulution 400 sa Richmond International Raceway. Ito rin ang kanyang kauna-unahang tagumpay para sa Dodge Charger, na nakabalik sa NasCAR noong 2005. Siya rin ay nakakuha ng dalawang poles sa dalawang magkasunod na linggo sa Darlington ar Richmons sa taong iyon. Siya ay may 22 starts sa Busch Series, at nakahati sa oras Akins at Evrhan's #5 team. Napanalunan niya ang O'Reilly 300 sa Texas Motor Speedway, at United Way 300 sa Kansas Speedway.

Noong ika-20 ng Marso, 2006, nanalo si Kahne sa Golden Corral 500 sa Atlanta Motor Speedway. Matapos ang halos taltong linggo, nanalo naman siya sa Samsung/Radio Shack 500 sa Texas. Nanalo siya sa apat na karera pagtapos niya sa Texas, kabilang na ang season sweep niya sa Lowe's Motor Speedway sa Coca-Cola 600 at Bank of America 500, kung saan pumangalawa sa kanya si Jimmie Johnson sa dalawang nasabing karera. Nanalo dis siya sa California at Michigan.

Noong ika-9 ng Setyembre, 2006, matagumpay na nakapasok si Kahne sa NEXTEL Cup nang tinapos niya ang karera sa Richmond sa ikatlong pwesto. Siya ang ika-10 at huling qualifier na nakapasok, at lumamang pa siya ng 16 na puntos sa defending Cup Champion na si Tony Stewart. Subalit, dahil sa nakakapanghinayang na crash sa Dover International Speedwayay naging dahilan upang tapusin niya ang karera sa ika-8 pwesto sa puntos. Nanalo din si Kahne sa dalawang Bushc Series na karera noong 2006.

Sa qualifying sessions ng 2007 Daytona 500, nakitaan ng mga opisyal ng butas ang wheel-wells ng kanyang Dodge Charger. Ayon sa isang crew member, tinakpan lamang ng tape ang mga nasabing butas. Isa si Kahne sa apat na nakitaan ng aerodynamic-improving modifications kasama ang mga kakamping si Math Kenseth, Scott RIggs at Elliot Sadler. Ang kanyang kuponan ang isa sa anim na nahuling may illegal modifications sa Daytona.

Noong ika-9 ng MArso, 2008, napanalunan ni Kasey Kahne ang pole para sa UAW-DaimlerChrysler 400 upang maging eligible sa 2008 Budweiser Shootout.

Noong ika-26 ng Mayo, 2007, nanalo si Kahne sa Busch Series Carquest Auto Parts 300 sa Lowe's Motor Speedway upang makuha ang kanyang unang tagumpay para sa 2007.

Nakikipag-usap ang may-ari ng kuponan na si Ray Evernham sa Budweiser upang makuha ito bilang sponsor ng #9 na kotse nila sa 2008, matapos ihayag ng Budweiser na hindi na nila ipagpapatuloy ang pag-sponsor kay Dale Earnhardt, Jr. sa 2008.[1]

Noong ika-24 ng Agosto, 2007, napanalunan ni Kahne ang pole para sa Sharpie 500 sa Bristol Motor Speedway, ang kanyang ikalawang pole para sa 2007 NEXTEL Cup season. Noong gabi ding iyon, sa gitna ng Busch Series Food City 250, nalampasan i Kahne si Ryan Newman sa top side ng 3-wide pass kabilang sina Jason Leffler sa bottom. Nagawa niyang protektahan ang kanyang lead upang manalo sa [[Ford City 250 para sa kanyang ika-pitong career Busch Series win at ikalawa sa 2007.

Sa sumund na araw sa Sharpie 500, nanguna si Kahne sa malaking bahagi ng karera, kung saan siya ang nangunguna sa 305 ng 500 laps, at sa kalaunan ay pumangalawa kay Carl Edwards. Sa kasalukuyan ay ito ang kanyang pinakamagandang finish para sa 2007 season.

Ang bagong sponsor niya para sa 2008 season ay nakatakdang ihayag sa ika-18 ng Setyembre, 2007.

Mga sanggunian

baguhin

Mga kawing na panlabas

baguhin
Sinundan:
Jamie McMurray
NASCAR Rookie of the year
2004
Susunod:
Kyle Busch