Si Anthony Wayne "Tony" Stewart (Ipinanganak 20 Mayo 1971 sa Rushville, Indiana, Estados Unidos), ay isang kasalukuyang drayber ng NASCAR Nextel Cup Series, na may sponsor ng The Home Depot sa kanyang #20 na kotseng Chevrolet, na may ari ng Joe Gibbs Racing na si Joe Gibbs. Ang mga teammate ni Stewart sa Joe Gibbs Racing ay sila J.J. Yeley at Denny Hamlin. Siya ay nanalo ng Rookie of the year honors noong 1999 at 3 panalo. Nanalo rin siya ng kauna-unang Kampeon ng Winston Cup noong 2002. Muling kinoronaan si Stewart bilang kampeon ng Nextel Cup sa Homestead-Miami Speedway noong 20 Nobyembre 2005.

Tony Stewart

Racing career

baguhin

Open wheel career

baguhin

Ipinanganak sa Columbus, Indiana noong 20 Mayo 1971, si Stewart ay lumaki na naglalaro ng karera ng go karts at siya ay maagang naging matagumpay sa pagkapanalo ng World Karting Championship noong 1987. Siya ay lumahok sa karera ng three quarter midgets hanggang 1991 hanggang lumipat siya sa serye ng United States Auto Club (USAC) sa tulong ng isa sa kanyang isponsor sa karting at kaibigan na si Mark Dismore. Si Stewart ay ang Rookie of the Year ng taong 1991, panglima noong 1993 matapos siyang manalo ng Hut Hundred at ang kampiyon ng serye ng National Midget noong 1994.

Noong 1995, si Stewart ay tinanghal na unang drayber na nanalo ng bersiyon ng USAC ng Triple Crown at nagtamo din siya ng kampeyonato sa tatlong malaking dibisyon ng USAC, National Midget, Sprint at ang Silver Crown. Ang tampok na pangyayari ng taon ay ang pagkapanalo niya ng Hut Hundred at 4-Crown Nationals.

Kapag hindi siya nakikipagkarera ng Indy Cars ay stock cars naman ang kanyang kinakarera. Noong 1996, si Tony ay nag umpisa ng kanyang NASCAR Busch Series at na////4gmaneho ng kotse na pagaari ni Harry Rainer. Ngunit sa siyam na karera, siya ay nagtapos lamang sa pang labing anim na puwesto. Mas naging matagumpay siya sa one-time ride niya sa Craftsman Truck Series kung saan siya ay nagtapos na pang sampu.

Sinikap ni Tony na pagbutihin ang kanyang kinalalagyan sa Indy Racing League (IRL) noong 1997 ngunit may pagkakataon na nahirapan siya na makatagpos sa karera. Hindi siya nagtagumpay na tapusin ang unang tatlong karera sa sampung karera nas nakahanda subalit nakabawi naman siya ng magtapos na pangalawa sa Phoenix. Nung panahon ng Indy 500, si Stewart ay nagkaroon ng mahusay na kotse na nagpanalo sa kanya ng kanyang unang karera sa IRL at nanguna sa 64 laps. Subalit, siya ay nakabuntot lamang sa nangunguna at umabot lamang sa panglimang puwesto. Nakamit din ni Tony ang kanyang unang panalo sa Pikes Peak kung saan siya ang nanguna maliban sa pitong laps sa kabuuang 200 lap race. Siya ang nanguna na contender para sa serye ng kampeyonato matapos na mawala sa pangunguna si Davey Hamilton . Sa kabila ng pagtatapos niya sa pampito, pang labing-apat, pang labing-isa at limang DNF, nagawa ni Stewart na talunin si Hamilton para sa titulo ng IRL. Lumahok din siya sa karera ng ilang midget series nnnnnnnnnnnnnnnnkung saan siya ay nagtapos na pang labing-tatlo at pang labing-isa sa USAC nung taong 1997 at 1998 at nanalo din siya ng Copper Classic sa parehong taon.

At katulad ng ginawa ng nagdaang taon, siya ay lumahok sa mga karera ng Busch Series. Sa pagkakataong ito, siya ay nakikipagkarera para kay Joe Gibbs, ang pangunahing coach at isang NFL Hall of Fame ng Washington Redskins, na naging matagumpay sa Winston Cup dahil sa kanyang drayber na si Bobby Labonte. Sa kabuuan ng mga nilahukang karera ni Stewart, siya ay nagtapos sa nangungunang sampu at pangatlong puwesto sa Charlotte. Humanga si Gibbs kay Stewart kaya ito ay kanyang pinapirma upang siyang magmaneho ng karamihan sa iskedyul ng Busch sa 1998 kasabay ng paglahok din sa iskedyul ng IRL.

Ang dobleng paglahok sa parehong karera ay hind naman nakaapekto sa alinmang serye. Sa IRL, siya ay dalawang beses na nanalo at nagtapos na pangatlo sa kampeyonato. Ngunit ang kanyang season ay hindi naging maganda ang resulta lalo na at siya at panghuli sa Indy 500 dahil sa pagkasira ng makina.

Sa serye ng Busch, siya ay nagtapos ng limang beses sa unang lima sa loob ng 22 starts. Halos nakuha na niya ang sana’y una niyang panalo sa Busch Series sa Rockingham ngunit siya ay dinaig sa huling lap ni Matt Kenseth. Ang nakuha ni Stewart ay ang pangalawang puwesto sa 2 (ng kabuuang 31) starts, una sa anim na drayber na may mas maraming starts at may average na pagtatapos na maikukumpara sa ilang nangungunang sampung nagtapos nang series. Si Gibbs ay nagpakita ng malaking kumpiyansa kay Tony na naging dahilan upang siya ay tumuloy sa Cup para sa 1999 season. Dahil dito, tinapos ni Stewart ang kanyang tatlong taong karera bilang isang drayber ng IRL matapos na mahirapan siyang magkasya sa kotse.

Nextel Cup Years

baguhin

1999 season

baguhin

Impresibo ang simula ni Stewart sa Winston Cup noong 1999 lalu na at naipasok niya ang kanyang numero 20 Home Depot Pontiac sa pangalawang puwesto sa kanyang unang karera sa Cup, ang Daytona 500. Nagpakita siya ng lakas ng loob sa isa sa mga Gatorade Twin 125 na karera kung saan siya ay nakipagpaligsahan kay Dale Earnhardt para sa panalo. Nanguna ang Intimidator ngunit marami rin ang humanga sa ginawa ni Stewart. Sa laro sa 500, halos nagawa ni Stewart ang manguna subalit nagkaroon ng aberya ang kanyang sasakyan kaya’t bumaba siya sa pang dalawangpu at walong puwesto.

Ginugol ni Stewart ang kanyang mga unang mga laro sa pagpapahanga sa mga manonood lalu na at ang kanyang kotse ay laging nasa nangungunang sampu. Minsan lang siya hindi nakatapos sa paligsahan ngunit sa kabila nito siya ay nabigyan pa rin ng pang siyam na puwesto. Nanalo siya ng pares ng pole positions sa short tracks at nagtala ng sunud-sunod na tatlong panalo bilang isang baguhan o rookie. Natapos niya ang kanyang unang taon sa ika-apat na puwesto dahil sa puntos, ang pinakamataas na puntos na nagawa ng isang baguhan sa makabagong panahon (hanggang ang kasalukuyang niyang teammate na si Denny Hamlin ay nagtapos ng ika-itlo noong 2006) at tinalo lamang ni James Hylton na nagtapos ng ikalawa bilang isang bagito noong 1966. Dahil dito, siya ay tinanghal na Winston Cup Rookie of the Year.

Sinubukan din ni Stewart na tumakbo sa 1,100 milya sa Memorial Day Weekend habang siya ay parehong nakikipagkumpetensiya sa Indy 500 sa araw at sa Coca-Cola 600 sa Charlotte, N.C. sa gabi. Ang kanyang tangka sa “The Double” ay bahagyang matagumpay. Nagtapos siya sa nangungunang sampu sa parehong karera; pang-siyam sa Indy 500 at pang-apat sa Lowe’s Motor Speedaway. Subalit, natapos lamang niya ang 1,090 milya sa naka iskedyul na 1,100.

2000 season

baguhin

Sa kabila ng hindi magandang laro ni Stewart nang kanyang ikalawang taon, siya ay nanalo ng anim na karera sa Winston Cup noong 2000. Subalit siya ay bumaba sa ika-anim na puwesto dahil sa dami ng kanyang DNF at sa pagdami ng mahuhusay ding drayber katulad ng kanyang kasamahan na si Labonte na siyang nanalo ng Cup Championship. Umani din si Tony ng batikos dahil sa kanyang on-track na aksidente katulad ng nangyari sa kanila ni Jeff Gordon sa Watkins Glen na kung saan siya ay nakapagbitaw ng mahahalay na salita. Nanalo din si Stewart ng Turkey Night Grand Prix midget car sa Irwindale, California na tinawag niyang “isa sa kanyang pinakamatinding panalo.”

2001 season

baguhin

Nagsimula si Tony noong taong 2001 sa Daytona 500 kung saan siya ay naaksidente ng tumaob ang kanyang kotse ng kung ilang beses. Lumakad siya na parang walang anumang nangyari at muli pang nanalo ng 3 beses sa serye ding nabaggit. Sa kabila ng pangit na ipinakita sa 2000 season, siya ang itinuring na runner-up kay Gordon para sa Cup championship.

Ngunit hindi ligtas sa kontrobersiya ang 2001 season. Nagawa ni Jeff Gordon ang stratehiyang “bump and run” laban kay Stewart para sa mas mainam na pagtatapos sa karera sa Bristol. Dahil dito, kahit tapos na ang karera, gumanti si Stewart sa pamamagitan ng pagpapaikot sa sasakyan ni Gordon hanggang mapunta ito sa rampa. Nagmulta si Stewart at inilagay sa probasyon ng NASCAR. Muli siyang nasangkot sa gulo ng sitahin niya ang isang opisyal ng Winston Cup dahil hindi nito pinansin ang itim na bandila. Sa karera ding ito, nasangkot siya sa isang reporter habang sinipa niya ang tape recorder nito. Muli niyang nakasagutan ang opisyal ng NASCAR sa karera sa Tallega ng tumangi siyang isuot ang head-and-neck restraint. Hindi siya pinayagan na magpraktis hanggat hindi niya ito isinusuot at pinayagan lamang ng makialam ang kanyang hepe na si Greg Zipadelli. Ang mga multa at gulo na kinasangkutan ni Stewart ay nagbigay sa kanya ng reputasyon na mainitin ang ulo at “bad boy” ng NASCAR.

2002 season

baguhin

Nagsimula si Tony sa 2002 season na hindi maayos lalu na at ang kanyang Daytona 500 ay tumagal lamang ng dalawang laps dahil sa problema sa makina. Nagpatuloy siya at nanalo pa ng dalawang beses ngunit pampito lamang siya sa pangkalahatan base sa puntos. Sa ikalawang bahagi ng taon, nagkaroon naman siya ng sigalot sa isang photographer matapos ang Brickyard 400. Inilagay ng NASCAR sa probasyon si Stewart kabuuan ng season. Nagpatuloy siya at nanalo sa Watkins Glen. Muling sumigla ang kanyang laro at palagi siyang nagtatapos na kasama sa pangunahing lima. Sa pagtatapos ng taon, nakopo ni Stewart ang kampeyonato ng Winston Cup laban kay Mark Martin.

2003 season

baguhin

Bilang kasalukuyang kampeyon, napanatili ni Stewart na malayo sa anumang insidente noong 2003. Habang minamaneho niya ang Chevrolet sa halip na ang dati niyang Pontiac (si Gibbs ay nagpalit ng manufacturers), si Stewart ay nagtaglay ng di maayos na Cup season (hanggang 2006 season) ngunit sa kabila nito ay puwesto siya sa ika-pito para sa puntos. Dalawang beses lamang siyang nanalo nung season na iyon ngunit mas marami siyang pinangunahang laps kaysa sa nagdaang taon at higit siyang naging agresibo sa pinal na karera ng taon.

2004 season

baguhin

Ang 2004 season ay pinatingkad ng una niyang panalo sa Chicago at maging ang kanyang pangalawang panalo sa Watkins Glen International. Si Stewart ay nakapasa bilang pang-apat para sa unang Chase para sa NASCAR NEXTEL Cup. Subalit ang insidente sa unang karera ng The Chase sa New Hampshire International Speedaway ay nagpadali ng pag-asa para sa pangalawang titulo sa serye.

Noong November, si Stewart ay nag may-ari ng isa sa pinakamakasaysayang short tracks sa Amerika, Eldora, Speedaway. Ang naka base sa New Weston, Ohio, Eldora na kalahating –milyang dirt track na kilala ng marami na “Auto Racing’s Showcase Since 1954.” Dito din nagsimula si Stewart na mangarera simula nuong 1991 at nagpatuloy siya sa paglahok sa mga espesyal na events kasama ng iba pang drayber ng Nextel Cup at dirt track legends.

Noong 2004, si Stewart ay sumama kay Englishman na si Andy Wallace at Dale Earnhardt, Jr, sa Boss Motorsports Chevrolet upang makuha ang ika-apat na puwesto sa 24 Hours na karera ng sports car sa Daytona. Gayon pa man, ang resulta ay hindi naman ngapakita ng kanilang performance. Nangunguna sila sa karera sa loob ng dalawang oras hanggang magkaroon ng aberya ang kanilang sasakyan. Habang 15 minuto na lamang ang natitira sa karera at si Stewart ang nasa manibela, biglang bumitaw ang isang gulong sa hulihan na tumapos ng kanilang laban. Bukod sa pagiging pang-apat sa pangkalahatan, ang tatlo ay tinaghal din na pangatlo sa klase ng Daytona Prototype.

2005 season

baguhin

Ang taong 2005 ang isa sa matagumpay na taon ni Stewart sa Nextel Cup. Nanalo siya ng limang karera kasama na ang Allstate 400 sa The Brickyard, ang karera na sinabi ni Stewart na kaya niyang isuko ang kampeyonato upang manalo at maging numero uno patungo sa NASCAR’s Chase para sa susunod na Nextel Cup 10-race playoff.

Noong ika-16 ng Agosto si Stewart ay nagmulta ng halagang 5,000 dolyar dahil sa pagkabangga niya sa kotse ni Brian Vickers matapos ang Busch Series Zippo 200 sa Watkins Glen International. Nagmamaneho noon si Stewart sa Busch series na kotse na pag mamay-ari ng Kevin Harvick Incorporated. Inilagay din sa probasyon si Stewart hanggang sa ika-31 ng Disyembre. Sa isang hiwalay na insidente, si Kyle Busch ay pinagmulta din ng halagang 10,000 dolyar at inilagay din sa probasyon dahil sa pagbangga sa kotse ni Anthony Lazzaro matapos ang karera ng Sirius Satellite Radio na nandun din sa Watkins Glen.

Matapos ang pangalawang panalo ng 2005 season, sinimulan ni Stewart ang pag-akyat sa bakod na nagbubuklod sa mga tagahanga at ang race track sa kanyang bawa’t panalo. Nasabi din ni Tony na mataba na siya para umakyat sa mga bakod kaya siya ay namili ng mga gamit na pang eherhisyo na nagkakahalaga ng 17,000 dolyar. Dahil ditto naisip ng Home Depot na gamitin sa promosyon ng kanilang mga produkto ang pangyayari. Sa katunayan, sila ay nagbigay ng diskwento sa kanilang panindang mga hagdan at fencing na may campaign ad na “He Tony, we’ve got ladders,” at sinumang magpakita ng patalastas na makikita sa dyaryo sa anumang tindahan ng Home Depot ay may diskwento. Matapos ang panalo ni Stewart sa Indianapolis, ipinirisinta ng Home Depot ang mga tagahangang nagbigay ng patalastas ng Allstate 400 win na nagkaroon ng diskwento sa pagbili ng mg bricks. Sinabi ni Stewart na nakaplano siyang manalo pa ng mga karera at makatulong na bumaba ang gastos sa pagpapa ayos ng bahay ng mga customer ng The Home Depot.

Noong ika- 20 ng Nobyembre, muling nanalo si Stewart ng kanyang pangalawang NASCAR Nextel Cup Championship at katulad ni Jeff Gordon ay tanging aktibo at drayber na nanalo ng maraming kampeyonato. Isa rin si Stewart sa mga batang drayber na ilang beses ng nagwagi sa kampeyonato. Hinangaan siya ng kanyang mga katunggali sa karera lalo na ang beterano ng NASCAR na si Mark Martin na nagsabi na si Stewart ang pinakamahusay na karerista sa kanyang panahon. Noong 2005 season si Stewart ay nagkamit ng halagang 13,578,168 na dolyar kasama ang 6,173,633 dolyar na napanalunan niya sa kampeyonato at maituturing na pinakamalaking halagang natamo sa kasaysayan ng NASCAR. Nagsanay din si Stewart upang maging deputy sheriff sa Alabama.

2006 season

baguhin

Stewart's 2006 season was very much up and down. He had competitive cars and scored early wins at Daytona and Martinsville. However he also had strings of bad luck. He also suffered a shoulder injury during the middle of the season and drove in pain for several weeks. Additionally he has once again been involved in several on track controversies.

Ang 2006 season ni Stewart ay maraming “ups and downs”. Nagkaroon siya ng mahuhusay na kotse na naipanalo niya sa Dattona at Martinsville ngunit nakaranas din siya ng ilang kamalasan. Nagtamo din siya ng pinsala sa kanyang balikat sa kalagitnaan ng season at nagmaneho sa kabila ng sakit na nararamdaman niya. Dagdag dito ay muli siyang nagkaroon ng mga kontrobersiya sa loob ng karerahan. Matapos ang isang marahas na Bud Shootout noong Pebrero 12, nagpahayag si Stewart sa media ng pag aalala tungkol sa posibilidad ng agresibong pagmamaneho na maaaring magresulta ng pinsala o kamatayan ng drayber. Noong panahon na iyon ay inalala ng mundo ang pagkamatay ng isa sa mga alamat ng karera ng kotse na si Dale Earnhardt na namatay sa final lap ng 2001 Daytona 500. Makalipas ang ilang araw matapos magpahayag si Stewart sa media, siya ay muling nasangkot sa mga insidente kina Jeff GHordon, Kyle Busch at Matt Kenseth na hinabol niya hanggang masadsad sila sa damuhan. At sinabi niya na walang karapatang magreklamo sa Kenseth dahil tinapos lamang niya ang inumpisahan nito.

Noong ika-20 ng Mayo, muling nagkatunggali sina Stewart at Kenseth sa NASCAR’s All Star. Bawa’t isa ay nagsasabing wala silang kasalanan kung di kasalanan ng isa. Sinabi pa ni Stewart na kung iniisip ni Kenseth na siya ang may kasalanan, marahil ay maluwag ang kanyang turnilyo sa ulo. Matapos ang gulo sa kanilang dalawa, ipinahayag ng media ang bagong sibol na Stewart-Kenseth rivalry at nararapat lamang daw na mapanood sa telebisyon . Ngunit ang labanan ay panandalian lamang dahil lumahok ang dalawa bilang magkaibigan sa pinagsamang tour ng DeWalt at Home Depot. Lumabas din si Kenseth nupng Setyembre sa Stewart’s Eldora Speedway sa NEXTEL PRELUDE kasama ang mga drayber ng NASCAR pati na rin ang serye ng ARCA Truck doon.

Noong Hulyo 23, muling naging sentro ng atensiyon ng media si Stewart. Sa lap 31 ng Pennysylvania 500, si Stewart ay aksidenteng naipit sa pader ng isang drayber na si Clint Bowyer. Dahil dito, iwinagayway niya ang kanyang kamay dahil sa galit at tinangkang hampasin ang kotse ni Bowyer. Naging dahilan ito upang umikot ang sasakyan ni Bowyer kung saan ito ay bumangga sa kotse ni Carl Edwards. Binawasan ng isang lap si Stewart ng NASCAR dahil sa magaspang na pagmamaneho nito. Subalit nagawa pa rin niyang lagpasan ang nangungunang si Ryan Newman upang pangunahan ang lap nagawa niyang magtapos sa ika-pitong puwesto at muling napasama sa sampung nangunguna s apuntos. Matapos na hindi niya akuin ang responsibilidad sa mga pangyayari, siya ay humingi ng paumanhin kinabukasan.

Hindi pumasok si Stewart para sa 2006 Chase para sa Nextel Cup dahil kinulang siya ng 16 na puntos. Nasira ang kanyang pangunahing kotse sa praktis at pinalitan siya sa sampung nangunguna ni Kasey Kahne. Natapos niya ang 2006 season na may 11 puntos lamang. Ito ang pinakamasama niyang record sa kanyang karera dahil lagi siyang kasama sa sampung nangunguna sa mga nakaraan niyang karera. Ang naipanalo ni Stewart noong 2006 Chase ay ang Kansas, Atlanta at ang Texas.

Ang 2006 season ay hindi naman naging lubos na masama para kay Stewart. Naipanalo niya ang 2 sa 4 na karera ng IROC. Nanalo din siya ng milyong dolyar para sa kanyang hirap ngunit nag alok siya na ibabalik ang napanalunang pera kung ititigil ng IROC ang isa nitong event sa Eldora Speedway.

2007 Season

baguhin

Nagsimula ang kanyang 2007 season ng panalo ng kanyang ikalawang Chili Bowl Nationals midget car. Nagsimula si Tony sa Daytona Speedweeks na may panalo ng 207 Budweiser Shootout. Ito ang kanyang ika-tatlong panalo sa karera. Nakapasa din si Tony sa Daytona 500. Inakala na si Tony Stewart ang kauna-unahang drayber ng NASCAR ang mananalo ng Bud Shootout, ng Gatorade Duel at ng Daytona 500 ngunit nagbago ang kahat ng mabangga ni Kurt Busch ang kaliwang bahagi ng likuran ng kotse ni Tony dahilan upang maalis siya sa laban. Dahil dito, nawala din sa laro si Busch. Sa katunayan ang magkapatid na Busch na sina Kurt at Kyle at si Tony ang tatlong nangunguna sa karera. Noong 22 Marso 2007, ipinahayag na si Tony ang muling ilalagay sa takip ng NASCAR 2008 sa ika-tatlong pagkakataon (2001, 2004 at 2008).

Sa kanyang unang karera sa Car of Tomorrow kasama ang Impala SS, si Stewart ang dominanteng manlalaro sa Bristol Speedaway na nagunguna ng 257 sa 504 laps (green-white-checkered finish). Ngunit ang problema sa fuel pump ay naging sanhi upang hindi niya makuha ang panalo. Sa pangatlong karera ng Car of Tomorrow sa Phoenix International Raceway, si Stewart ay muling inasahang manalo ngunit dahil sa isang late race caution moved, si Stewart ay nagtamo lamang ng pangalawang puwesto laban kay Jeff Gordon. Nang sumunod na linggo, ipinahiwatig ni Stewart na ang cautions ay hindi totoo at ang NASCAR ay inayos katulad ng propesyonal na wrestling.

Sa All-Star Challenge sa Lowe’s Motor Speedaway, siya ay nagtapos na panglima laban kina Kevin Harvick, Jimmie Johnson, Mark Martin at Jeff Burton. Doon naman sa Coca-Cola 600, si Stewart ay nagtapos sa ika-anim na puwesto matapos ang problema sa fuel.

Noong 15 Hulyo 2007 matapos siyang manguna ng 66 sa may 160 laps, si Stewart ay nanalo sa Allstate 400 sa Brickyard sa Indianapolis Motor Speedaway, ito ay 45 minuto mula sa kung saan siya lumaki. Sa isang interview, nakapagsalita si Stewart ng salitang “bullshit” at dahil dito siya ay napatawan ng 25 puntos at multang 25,000 dolyar. Ito ay matapos na siya ay kastiguhin ng ESPN at sabihan na siya ay may kaso ng “Schiltz” at nasabi din ng ESPN analyst na si Woody Paige na si Stewart any hindi mainam na role model.

Noong 12 Agosto 2007, nanalo muli si Stewart ng Centurion Boats sa Glen sa Watkins Glen International matapos magkaproblema sa kotse ni Jeff Gordon na mayroon pang natitirang 2 laps

Iba pang Karera

baguhin

Madalas siyang nakikilahok sa dirt tracks, sa karera ng ARCA at iba pang midget car events katulad ng USAC’s Turkey Night Grand Prix at ang indoor na Chili Bowl Midget Nationals.

May-ari ng Racecar

baguhin

Si Stewart ay ang may ari ng World of Outlaws srint car na minamaneho ni Paul Mc Mahan. Siya ay nanalo ng USAC sa dibisyon ng Silver Crown noong 2002 at 2003 kasama si J.J. Yeley at noong 2004 kasama si Dave Steele. Nangolekta din siya nang National Sprint Care Series ng USAC owner titles kasama si Yeley noong 2003 at Jay Drake noong 2004. Ang drayber niya sa kasalukuyang USAC ay pinangungunahan ni Josh Wise para sa midget at sprint cars at si Levi Jones para sa sprint car at national midget series. Si Stewart ay siya ring may-ari ng Custom Works, ang kompanya na gumagawa ng radio controlled na oval track cars at tagumpay din siya bilang isang r/c racer. Siya ay lumabas sa 2007 hit show na “Drake and Josh” kung saan tinulungan niya si Drake na nakawin ang isang kotse at ibangga ito sa isang school bus.

May-ari ng Racetrack

baguhin

Ang NASCAR drayber na si Tony Stewart ay binili ang Eldora Speedway na nasa Rossburg, Ohio noong 2004 mula kay Earl Baltes. Sa kasalukuyan si Tony Stewart ay co-owner ng Paducah International Raceway sa Paducah, KY. Siya rin ay co-owner ng Macon Speedway sa Macon, Il kasama sina Kenny Schrader, Kenny Wallace at Bob Sargent.

TV & Radio

baguhin
  • Simula nuong Enero 2007, si Stewart ay host ng isang lingguhang programa sa radio na may pamagat na Tony Stewart Live at ipinahahayag ng Sirius Satellite Radio. Siya din ay co-host ng programa kasama si Matt Yocum na tumatanggap ng tawag mula sa mga nakininig.
  • Noong 2007, si Stewart ay lumabas sa patalastas (commercial) para sa Subway kasama ang tagapagsalitang si Jared Fogle.

Video Games

baguhin
  • Sa NFL Street 2, ang manlalaro ay maaaring likhain ayon sa kanyang nais
  • Siya ay lumabas sa takip ng NASCAR Thunder 2004 kung saan ipinakita niya ang hitsura ng scowling look upang kumatawan sa bagong Grudges at Alliances feature and NASCAR 08.

Mga Napanalunang Karera

baguhin

Winston/Nextel Cup (32 career wins plus 2 championships)

baguhin
  • 2007 (3 wins) USG Sheetrock 400 (Joliet), Allstate 400 at the Brickyard (Indianapolis), Centurion Boats at the Glen (Watkins Glen)
  • 2006 (5 wins) DirecTV 500 (Martinsville), Pepsi 400 (Daytona), Banquet 400 (Kansas), Bass Pro Shops 500 (Atlanta), Dickies 500 (Texas)
  • 2005 (5 wins) Dodge/Save Mart 350 (Sonoma), Pepsi 400 (Daytona), New England 300 (Loudon), Allstate 400 at The Brickyard (Indianapolis), Sirius at The Glen (Watkins Glen), Nextel Cup Championship
  • 2004 (2 wins) Tropicana 400 presented by Meijer (Chicago), Sirius at The Glen (Watkins Glen)
  • 2003 (2 wins) Pocono 500 (Pocono), UAW-GM Quality 500 (Charlotte)
  • 2002 (3 wins) MBNA America 500 (Atlanta), Chevy American Revolution 400 (Richmond), Sirius Satellite Radio at The Glen (Watkins Glen), Winston Cup Championship
  • 2001 (3 wins) Pontiac Excitement 400(Richmond), Dodge/Save Mart 350 (Sonoma), Sharpie 500 (Bristol)
  • 2000 (6 wins) MBNA Platinum 400 (Dover), Kmart 400 (Michigan), thatlook.com 300 (Loudon), MBNA.com 400 (Dover), NAPA AutoCare 500 (Martinsville), Pennzoil 400 presented by Discount Auto Parts (Homestead)
  • 1999 (3 wins) Exide NASCAR Select Batteries 400 (Richmond), Checker Auto Parts/Dura Lube 500 (Phoenix), Pennzoil 400 presented by Kmart (Homestead)

Busch Series (2 career wins)

baguhin
  • 2006 (1 win ) Hershey's Kissables 300 (Daytona)
  • 2005 (1 win ) Hershey's Take 5 300 (Daytona)

Craftsman Truck Series (2 career wins)

baguhin
  • 2003 (1 win ) Virginia Is For Lovers 200 (Richmond)
  • 2002 (1 win ) Richmond Is For Lovers 200 (Richmond)

International Race of Champions (4 career wins plus championship)

baguhin
  • 2006 Crown Royal IROC XXX (2 wins) Race 2 (Texas), Race 3 (Daytona Road Course), Crown Royal IROC XXX Championship
  • 2002 True Value IROC XXVI (1 win ) Race 1 (Daytona)
  • 2001 True Value IROC XXV (1 win ) Race 3 (Michigan)

IRL IndyCar Series (3 career wins plus championship)

baguhin
  • 1998 (2 wins) Indy 200 (Walt Disney World Speedway), New England 200 (Loudon)
  • 1997 (1 win) Samsonite 200 (Pikes Peak), Indy Racing League Championship

Mga sanggunian

baguhin
baguhin