Kasongo
Ang Kasongo, na kilala rin bilang Piani Kasongo, ay isang teritoryo (katumbas ng mga bayan sa Pilipinas) sa lalawigan ng Maniema sa silangang Demokratikong Republika ng Congo.
Teritoryo ng Kasongo | |
---|---|
Mga koordinado: 4°27′S 26°39′E / 4.450°S 26.650°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Maniema |
Taas | 665 m (2,182 tal) |
Populasyon | |
• Kabuuan | 63,000 |
Pambansang wika | Kiswahili |
Bahagi ang teritoryo ng Katoliko Romanong Diyosesis ng Kasongo.
Kasaysayan
baguhinNagtatag si Tippu Tip, isang Apro-Arabeng mangangalakal, ng isang posteng pangangalakal sa Kasongo noong 1875.[1] Dinalaw ito ni Henry Morton Stanley sa pagitan ng 1879 at 1884, noong kaniyang ikatlong ekspedisyon.[1]
Ang teritoryo ay nasa sentro ng digmaan sa Silangang Congo noong 1892–1894 at ng mga Himagsikang Batetela noong 1898. Magkaraan ng isang dantaon, lubhang napinsala ang Kasongo at mamamayan nito sa Ikalawang Digmaang Congo (1998–2003). Masigasig sa lugar ang mga organisasyong di-pampamahalaan (NGO) na CARE at Concern Worldwide.[2]
Heograpiya
baguhinAng Kasongo ay nasa silangan ng Ilog Lualaba, hilagang-kanluran ng tagpuan nito sa Ilog Luama, sa taas na 2188 talampakan (666 na metro).[3] Tinatayang nasa 63,000 katao ang populasyon ng teritoryo.[4]
Pinaglilingkuran ng Paliparan ng Kasongo ang teritoryo. Naka-ugnay ang teritoryo sa Kindu sa pamamagitan ng Daang Kasongo na may habang 150 milya, ngunit umaabot sa dalawang araw ang paglalakbay dahil sa kalunos-lunos na kalagayan nito.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-06. Nakuha noong 2019-05-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Congo rising from chaos, isolation - The Boston Globe. Boston.com (2005-07-10). Retrieved on 2017-05-22.
- ↑ National Geographic Atlas of the World: Revised Sixth Edition, National Geographic Society, 1992
- ↑ world-gazetteer.com Naka-arkibo 2011-05-22 sa Wayback Machine.