Kindu
Ang Kindu ay isang lungsod sa Demokratikong Republika ng Congo at ang kabisera ng lalawigan ng Maniema. Matatagpuan ito sa Ilog Lualaba sa taas ng mga 500 metro at nasa layong 400 kilometro kanluran ng Bukavu.
Kindu | |
---|---|
Isang karsada sa Kindu | |
Mga koordinado: 2°57′S 25°57′E / 2.950°S 25.950°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Maniema |
Lawak | |
• Kabuuan | 150 km2 (60 milya kuwadrado) |
Taas | 504 m (1,654 tal) |
Populasyon (2012) | |
• Kabuuan | 172,321 |
• Kapal | 1,100/km2 (3,000/milya kuwadrado) |
Klima | Aw |
Pambansang wika | Swahili |
Nakaugnay ng daambakal ang Kindu sa mga pook-minahan ng Kalemie, Kamina at Kananga sa timog. Mayroon din itong paliparan na may 2,200 metrong patakbuhan at isa itong napakahalagang pantalan sa kahabaan ng sistemang Ilog Congo.
Bilang isang panlalawigang kabisera, tahanan ang Kindu ng mga panlalawigang asambleya at ministeryo.
Kasaysayan
baguhinAng Kindu ay isang mahalagang sentro ng kalakalang garing, ginto at alipin noong ika-19 na dantaon. Mula mga 1860 nakabase rito ang mga mangangalakal na Arabo-Swahili at nagdala ng mga karabana sa katihan patungong Zanzibar.[1]
Dumating si Henry Morton Stanley sa "kapansin-pansin na bayang" ito noong ika-5 ng Disyembre 1876. Inilarawan niya ito bilang "napakahaba" na may "malapad na kalye, tatlumpung talampakan ang lapad at dalawang milya ang haba," at "sa likod ng nayon ay mga taniman ng saging at palma."[2]:Vol.Two,132–133
Noong 1961, sa panahon ng Krisis sa Congo, naganap ang kalupitang Kindu sa lungsod. Noong pamumuno ni Mobutu Sese Seko, ang Kindu ay dating kabisera ng sub-rehiyong Nord-Kivu ng rehiyong Kivu.
Heograpiya
baguhinMatatagpuan ang Kindu sa koordinatong 2°57′S, 25°55′E, sa taas na 1500 talampakan (450 metro) sa ibabaw ng lebel ng dagat.
Demograpiya
baguhinTinatayang nasa pagitan ng 140,000[3] at 200,000[4] katao ang populasyon ng Kindu. Tulad ng nalalabing bahagi ng Congo, karamihan sa mamamayan ng lungsod ay sumusunod sa mga sektang Kristiyano. Mababa sa kalahati ng populasyon ay Katoliko.[5] Bahagyang mababa pa sa 10% ng populasyon ay mga Anglikano[4] at mayroon ding isang maliit na komunidad ng mga Muslim ang lungsod.
Ekonomiya
baguhinAng pangunahing gawaing pang-ekonomiya sa lalawigan ay pagmimina. Minimina sa labas ng Kindu ang mga diyamante, tanso, ginto at kobalto.[6] Mayroon din isang pamilihan at mga tindahan sa lungsod.
Transportasyon
baguhinPinaglilingkuran ng Paliparan ng Kindu ang lungsod. Karamihan sa mga kalakal na dumadating sa Lindu ay mula sa Goma, Bukavu at Kinshasa sa pamamagitan ng himpapawid.
Pinaglilingkuran din ito ng Daambakal ng Congo na nag-uugnay ng lungsod sa Lubumbashi at iba pang mga lungsod.
Ang pantalan ng lungsod ay matatagpuan sa kanlurang pampang ng Ilog Lualaba.
Karaniwang nasa hindi maayos na kalagayan ang mga daanan sa lalawigan.
Edukasyon
baguhinMay mga primera at sekundaryang institusyong pang-edukasyon ang lungsod. Matatagpuan dito ang Unibersidad ng Kindu.
Klima
baguhinDatos ng klima para sa Kindu | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 30 (86) |
31 (87) |
31 (87) |
31 (87) |
31 (88) |
31 (87) |
29 (84) |
30 (86) |
31 (87) |
31 (87) |
31 (87) |
30 (86) |
31 (87) |
Katamtamang baba °S (°P) | 21 (70) |
21 (69) |
21 (70) |
21 (70) |
21 (70) |
20 (68) |
19 (67) |
20 (68) |
20 (68) |
21 (69) |
21 (69) |
21 (70) |
21 (69) |
Katamtamang presipitasyon cm (pulgada) | 18 (7) |
15 (6) |
19.3 (7.6) |
15.7 (6.2) |
10.7 (4.2) |
3 (1.2) |
3.3 (1.3) |
7.1 (2.8) |
10.9 (4.3) |
15.7 (6.2) |
19.8 (7.8) |
20.8 (8.2) |
159.5 (62.8) |
Sanggunian: Weatherbase [7] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ The Editors of Encyclopædia Britannica
- ↑ Stanley, H.M., 1899, Through the Dark Continent, London: G. Newnes, Vol. One ISBN 0486256677, Vol. Two ISBN 0486256685
- ↑ "Geonames 2013 calculation". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-16. Nakuha noong 2019-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Diocese of Kindu". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-06. Nakuha noong 2019-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lavigerie : Site officiel des Missionnaires d'Afrique (Soeurs Blanches et Pères Blancs belges) - Notre confrère Willy Ngumbi, nouvel évêque du diocèse de Kindu, R.D.C." Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-27. Nakuha noong 2019-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maniemamining LTD, 2014 Naka-arkibo 2014-10-16 sa Wayback Machine.
- ↑ "Weatherbase: Historical Weather for Kindu, Democratic Republic of the Congo". Weatherbase. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-10. Nakuha noong 24 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- "Villes de RD Congo - Kindu" (sa wikang Pranses). MONUC. 2006-05-29. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-17. Nakuha noong 2008-09-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Repairs to railway