Kalemie

lungsod sa Democratic Republic of Congo

Ang Kalemie, dating Albertville o Albertstad, ay isang lungsod sa kanlurang dalampasigan ng Lawa ng Tanganyika sa Demokratikong Republika ng Congo. Ang lungsod ay kasunod ng papalabas na daloy ng Ilog Lukuga mula Lawa ng Tanganyika papuntang Ilog Lualaba.

Kalemie
Kabayanan ng Kalemie
Kabayanan ng Kalemie
Bansag: 
Build our Nation, Spirit of Patriotism
Kalemie is located in Democratic Republic of the Congo
Kalemie
Kalemie
Location in Democratic Republic of the Congo
Mga koordinado: 5°56′S 29°12′E / 5.933°S 29.200°E / -5.933; 29.200
Bansa Demokratikong Republika ng Congo
LalawiganTanganyika
Populasyon
 (2012)
 • Kabuuan146,974
Sona ng orasUTC+2 (Oras ng Gitnang Aprika)
Pambansang wikaSwahili
KlimaAw

Tahanan ang Kalemie ng Unibersidad ng Kalemie kung saang matatagpuan ang pinakamalaking aklatan ng rehiyon.

Kasaysayan

baguhin

Mula 1886 hanggang 1891, itinatag ng Kapisanan ng mga Misyonero ng Aprika ang mga Katolikong misyon sa hilaga at katimugang dulo ng Lawa ng Tanganyika. Ipinadala ni Arsobisopo Charles Lavigerie ng Kapisanan ng mga Misyonero ng Aprika ang Pranses na sundalo at armadong auxiliary na si Léopold Louis Joubert upang ipagtanggól ang mga misyonero. Iniwan ng mga misyonero ang tatlo sa mga bagong estasyon dahil sa mga paglusob nina Tippu Tip at Rumaliza.[1] Pagsapit ng 1891 ang mga Arabeng mangangalakal ng alipin ay may hawak sa buong kanlurang dalampasigan ng lawa, maliban sa rehiyong ipinagtanggól ni Joubert sa paligid ng Mpala at St Louis de Mrumbi.[2] Dumating ang ekspedisyong kontra-pang-aalipin sa ilalim ni Kapitan Alphonse Jacques para sa panaklolo ni Joubert noong ika-30 ng Oktubre 1891.[3]Padron:Citation broken Nang dumating ang ekspedisyon ni Jacques ang bilang sa kampamento ni Joubert ay bumaba sa humigit-kumulang dalawandaang kawal na hindi gaanong nasasandatahan. Kulang din siya ng mga gamot.[4][5][6] Ipinakiusap ni Kapitan Jacques si Joubert na manatiling nagtatanggol habang papuntang hilaga ang kaniyang ekspedisyon.[7]

Pagtatag ng Albertville

baguhin

Noong ika-30 ng Disyembre 1891 itinatag ng kontra-pang-aalipin na ekspedisyon ni Kapitan Alphonse Jacques ang posteng pangmilitar ng Albertville sa mga pampáng ng Lawa ng Tanganyika, at sinubukang wakasin ang Arabeng kalakalan ng mga alipin sa rehiyon.  Matatagpuan ang Albertville 15 kilometro (9.3 milya) sa timog ng Ilog Lukuga. Napatay si Sarhento Alexis Vrithoff noong ika-5 Abril 1892 habang ipinagtatanggol ang Albertville laban sa pagsalakay ng mga Arabeng mangangalakal ng alipin. Ipinalibot ng mga kawal ni Rumaliza (na nakabase sa Kataki) ang Albertville noong ika-5 ng Abril at kinubkob ang himpilan nang ilang buwan, mula ika-16 ng Agosto 1892 hanggang ika-1 ng Enero 1893. Kalaunan, kinailangang umurong ang hukbo ni Rumaliza dahil sa pagdating ng ekspedisyong Kontra-Pang-aalipin ng Long-Duvivier-Demol, isang rilyebong hukbo na ipinadala mula Bruselas sa pagtulong ni Kapitan Alphonse Jacques.

Pagkaraang nilisan ng mga Arabe ang lupain, unti-unting iniwan ang unang pamayanan ng Albertville, at napunta ang pangalan sa posteng militar ng M'Toa sa hilaga ng Lukuga, ang sityo ng kasalukuyang Kalemie.[8]

Unang Digmaang Pandaigdig at ang kampanya sa Silangang Aprika

baguhin

Noong 1914 ang Albertville ay himpilan para sa mga hukbong Belhikano-Konggoles sa kampanya sa Silangang Aprika. Umabot ang daambakal sa Albertville noong 1915, at itinayo noong 1916 ang pantalan at binuksan ang pagawaan ng mga uling sa Greinerville. Sa katapusan ng taong 1940 itinatag ang isang base militar ng Timog Aprika sa Albertville, paglaon ay Briton upang mangasiwa ng mga kawal sa Kenya at Abyssinia.[8]

Pagkaraan ng kalayaan

baguhin

Sinalakay ang Albertville ng mga mersenaryo sa ilalim ni Major Mike Hoare sa kasagsagan ng mga oplan laban sa Rebelyong Simba noong Agosto 1964.[9]

Noong kahulihan ng dekada-1960 at kaunahan ng dekada-1970, sa ilalim ng pamahalaan ni Mobutu Sese Seko, ipinatupad ang patakarang may kalakip na maraming mga pagbabago sa estado at sa pampribadong buhay, kabilang ang pagpapalit ng pangalan ng bansa at mga lungsod nito, gayon din ang kautusang ino-obliga sa mamamayan na ipalit sa "mas-tunay" na mga pangalan ang kanilang mga pangalang Kristiyano. Dagdag pa ang pagbawal ng mala-Kanluraning kasuotan at pinalitan ito ng tunikong may estilong Mao na pinangalanang abacost [en] at ang katumbas nito para sa kababaihan. Nagsimulang maggawas ang patakaran noong kahulihan ng dekada-1970 at halos napabayaan ito noong dekada-1990.

Bilang bunga sa nabanggit patakaran, binago ang pangalan ng lungsod sa Kalemie mula sa Albertville noong 1971.

Lindol noong 2005

baguhin

Tumama ang lindol sa Lawa ng Tanganyika noong ika-5 ng Disyembre, 2005. Naitala ang pokus sa 10 km (6.2 mi) sa ilalim ng ibabaw ng nabanggit na lawa, mga 55 kilometro timog-silangan ng Kalemie. Hindi bababa sa dose-dosenang mga kabahayan ang nawasak.[10]

Ang Kalemie ay may klimang tropikal na sabana (Köppen: Aw).

Datos ng klima para sa Kalemie
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Arawang tamtaman °S (°P) 24.0
(75.2)
24.3
(75.7)
24.3
(75.7)
24.2
(75.6)
23.6
(74.5)
21.8
(71.2)
21.2
(70.2)
22.7
(72.9)
24.1
(75.4)
25.1
(77.2)
24.2
(75.6)
23.7
(74.7)
23.6
(74.49)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 122
(4.8)
96
(3.78)
139
(5.47)
206
(8.11)
82
(3.23)
7
(0.28)
1
(0.04)
7
(0.28)
31
(1.22)
58
(2.28)
163
(6.42)
174
(6.85)
1,086
(42.76)
Sanggunian: Climate-Data.org[11]

Demograpiya

baguhin

Bagamat opisyal na wika ang Pranses, ang pangunahing wika sa Kalemie ay isang diyalekto ng Swahili na matatagpuan sa Tanzania. Ang diyalektong ito ay sinasalita sa silangang bahagi ng Congo, at halos papuntang hangganan ng Katanga at Angola ay tinatawag na Kingwana.[12]

Ekonomiya

baguhin

Nagsisilbi ang Kalemie bilang mahalagang bayan sa lalawigan ng Tanganyika. Kabilang sa mga yaring produkto ay semento, mga produktong pagkain, at tela.

Naglilingkod din ang lungsod bilang sentrong pampamamahagi para sa mga mineral tulad ng tanso, kobalto, sink, tinggaputi, at batong pang-uling.

Transportasyon

baguhin

Ang Kalemie ay nasa sentro ng mga linyang daambakal patungong Nyunzu, Kindu, Kabalo at Lubumbashi. Ipinapanukala ang pagtatayo ng isang daambakal mula Kalemie papuntang Bukavu na dadaan sa bayan ng Baraka upang mabuksan ang rehiyon ng Kivu.

Pantubig

baguhin

Bilang isang pantalang lungsod, ang Kalemie ay nasa sentro ng mga rutang pantubig papuntang Uvira sa Congo, Kigoma sa Tanzania, Mpulungu sa Sambia, at Bujumbura sa Burundi.

Panghimpapawid

baguhin
Mga paliparan at paroroonan
Mga kompanyang panghimpapawidMga destinasyon
Compagnie Africaine d'Aviation[13] Beni, Bunia, Bukavu, Goma, Kinshasa-N'djili, Kongolo, Lubumbashi, Mbuji-Mayi

Mga kapatid na lungsod

baguhin

Pinananatili ng Kalemie ang ugnayang pagsasama sa mga sumusunod na lugar: 

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Il y a 80 ans, le 27 Mai 1927, Mourait le Captiaine Joubert" (in French). Lavigerie. Retrieved 2013-04-09.
  2. Shorter, Aylward (2003). "Joubert, Leopold Louis". Dictionary of African Christian Biography. Retrieved 2013-04-10.
  3. Ergo 2005, p. 43.
  4. Moloney, Joseph Augustus (30 July 2007). With Captain Stairs to Katanga: Slavery and Subjugation in the Congo 1891–1892. Jeppestown Press.p.56. ISBN 978-0-9553936-5-5.
  5. Swann, Alfred J. (6 December 2012). Fighting the Slave Hunters in Central Africa: A Record of Twenty-Six Years of Travel and Adventure Round the Great Lakes. Routledge.p.34. ISBN 978-1-136-25681-3.
  6. Cheza, Maurice (2005). "L'accompagnement arme- des missionaires dans l'Afrique des Grand Lacs: Les cas de Joubert et Vrithoff". Les conditions matérielles de la mission: contraintes, dépassements et imaginaires, XVIIe-XXe siècles : Actes du colloque conjoint du CREDIC, de l'AFOM et du Centre Vincent Lebbe : Belley (Ain) du 31 août au 3 septembre 2004 (in French). KARTHALA Editions. p. 96. ISBN 978-2-84586-682-9.
  7. Swann, p. 34.
  8. 8.0 8.1 Auzias & Labourdette 2006, p. 211.
  9. S.J.G. Clarke, 'The Congo Mercenary: A History and Analysis,' South African Institute of International Affairs, Johannesburg, 1968, p.43-45
  10. "Powerful quake rocks East Africa". 6 Disyembre 2005 – sa pamamagitan ni/ng news.bbc.co.uk.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Climate:Kalemie". Climate-Data.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Abril 2014. Nakuha noong 10 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Kingwana". facultystaff.richmond.edu.
  13. "Compagnie Africaine d'Aviation timetable (August 2013)" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-09-23. Nakuha noong 2019-05-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. GmbH, Advantic Systemhaus. "Stadt Steinheim / Kalemie". www.steinheim.de.

Mga pinagkunan

baguhin
  • Auzias, Dominique; Labourdette, Jean-Paul. Congo: république démocratique. Petit Futé. p. 211. ISBN 978-2-7469-1412-4. {{cite book}}: |access-date= requires |url= (tulong); Invalid |ref=harv (tulong); Unknown parameter |url  = ignored (tulong); Unknown parameter |year  = ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin