Uvira
Ang Uvira ay isang lungsod sa lalawigan ng Timog Kivu sa Demokratikong Republika ng Congo. Matatagpuan ito sa dulong hilaga ng Lawa ng Tanganyika. Pinaglilingkuran ito ng Uvira Mental Health Center.
Uvira | |
---|---|
Mga koordinado: 3°22′12″S 29°08′24″E / 3.37000°S 29.14000°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Timog Kivu |
Taas | 746 m (2,448 tal) |
Populasyon (2012) | |
• Kabuuan | 378,736 |
Isa rin itong diyosesis ng Katolikong Romano, isang supragano ng arkidiyosesis ng Bukavu.
Kasaysayan
baguhinDating kabisera ang Uvira ng Sub-rehiyong Timog Kivu, na bahagi ng rehiyong Kivu noong panahon ni Mobutu. Kasunod ng pagtatatag mg Timog Kivu bilang lalawigan, inilipat ang kabisera sa Bukavu.
Transportasyon
baguhinAng Kalundu ay isang pantalang panlawa sa katimugang dulo ng lungsod, na nagbibigay ng mga rutang pambangka patungong Kalemie sa lalawigan ng Tanganyika, Kigoma sa Tanzania, Pulungu sa Zambia at Bujumbura sa Burundi.
Nakaugnay sa Bukavu (kabisera ng lalawigan ng Timog Kivu), at Bujumbura ang lungsod sa pamamagitan ng mga daan. Matatagpuan ito 120 kilometro mula Bukavu at 60 kilometro mula sa teritoryo ng Fizi.
Kapag sa daan, nakaugnay rin ang Uvira sa mga sumusunod:
- Bujumbura, ang kabisera ng Burundi (25 km)
- Ang teritoryo ng Fizi (60 km)
- Rwanda sa pamamagitan ng hangganang Kamanyola (80 km)
- Bukavu, ang kabisera ng Lalawigan ng Timog Kivu (120 km)
- Kalemie sa Lalawigan ng Tanganyika (385 km)
Mga kawing panlabas
baguhin- "Retracing Che Guevara's Congo Footsteps". BBC News. 25 November 2004.
- Map "Uvira, Sud-Kivu, Congo-Kinshasa" (PDF). Reférential Geographique Commun, République Démocratique du Congo. 21 December 2012.[patay na link]