Kastilyo ng Praga
Ang Kastilyo ng Praga (Tseko: Pražský hrad) ay ang kastilyo sa Praga na kung saan dito ang naging tanggapan ng mga haring Tseko, mga Banal na Emperador Romano at mga pangulo ng Tsekoslobakya at kasalukuyang Republikang Tseko. Iniingat din dito ang mga koronang alahas ng Kaharian ng Bohemya. Isa ang Kastilyo ng Praga sa pinakamalaking kastilyo sa buong mundo (sang-ayon sa Guinness Book of Records ang pinakamalaking lumang kastilyo [1]) na mayroong 570 metro ang haba at may katamtamang lapad na 130 metro.
May kaugnay na midya tungkol sa Kastilyo ng Praga ang Wikimedia Commons.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.