Kasunduang pangkalakalan
Ang kasunduang pangkalakalan ay isang malawak na kasunduang sumasaklaw sa pagbubuwis, taripa, at kalakal na karaniwang may kalakip na garantiya sa pamumuhunan. Ang pinakakaraniwang kasunduang pangkalakalan ay ang nagbibigay ng pagtatangi at malayang kalakal upang lubos na mabawasan kung hindi man matanggal ang mga taripa, quota sa pag-angkat, at iba pang paghihigpit sa kalakal sa mga bagay na ikinakalakal sa pagitan ng mga lumagda.
Klasipikasyon ng mga kasunduan
baguhinAyon sa bilang at klase ng mga lumagda
baguhinAng isang kasunduan pangkalakalan ay sinasabing bilateral kapag nilagdaan sa pagitan ng dalawang panig, kung saan ang bawat panig ay maaaring isang bansa (o ibang teritoryong pang-adwana, isang blokeng kalakalan o isang di-pormal na pangkat ng mga bansa (o ibang teritoryong pang-adwana). Ang kasunduang pangkalakalan na nilalagdaan (karaniwan ng magkakalapit na bansa o sa iisang rehiyon) ay tinatawag na multilateral.
Ayon sa antas ng integrasyon
baguhinMay samo't saring kasunduang pangkalakalan; ang ilan ay kompleks (gaya ng European Union), habang ang ilan ay hindi gaanong intensibo (gaya ng North American Free Trade Agreement).[1] Ang kinalalabasang antas ng integrasyon ng ekonomiya ay nakasalalay sa espesipikong uri ng kasunduang pangkalakalan at patakarang pinagtitibay ng blokeng kalakalan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Whalley, John (1998). "Why do countries seek Regional Trade Agreements". The Regionalization of the World Economy (sa wikang Ingles). p. 64. ISBN 0-226-25995-1. Nakuha noong Hulyo 21, 2008.
{{cite book}}
: Unknown parameter|chapterurl=
ignored (|chapter-url=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)