Katayuang sumisipsip

Ang nasa katayuang sumisipsip (tinatawag sa wikang Ingles bilang fed state o absorptive state) ay ang metabolikong proseso ng pagsasalin ng sustansiya (nutrient) mula sa tubong gastrointestinal (gastrointestinal tract) patungo sa dugo.

Pagproseso ng sustansiya sa nasa katayuang sumisipsip

baguhin

Mga carbohydrate - Ipinapadala ang mga simpleng asukal sa atay kung saan nagiging glucose. Pagkatapos, naglalakbay ang dugo o nagiging glycogen at taba (triglyceride). Naiimbak ang glycogen at taba sa atay at tisyung adipose, ayon sa pagkakabanggit, bilang mga reserba para sa nasa katuyan pagkatapos ng pagsipsip (o postabsorptive post-absorptive state). Kinukuha ang natitirang glucose para gamitin ng selula ng katawan o iimbak sa kalamnang kalansay bilang glycogen.

Mga triglyceride - Ang chylomicron, ang pangunahing produkto ng pagtunaw ng taba, ay unang pinaghiwa-hiwalay sa asidong mataba at glycerol sa pamamagitan ng hydrolysis gamit ang Lipoprotein lipase. Pinapahintulot nito ang malayang pagdaloy nito sa mga pader ng maliliit na ugat. Magiging triglyceride uli ang karamihan sa mga ito at naiimbak sa tisyung adipose. Ginagamit ang natitira para sa enerhiya sa mga selulang adipose, kalamnang kalansay, at mga hepatocyte. Sa situwasyong mababa ang carb, nagsisimulang gumamit din ang ibang selula ng katawan ng mga triglyceride bilang mapagkukunan ng enerhiya.

Mga asidong amino - Tinatanggal ng atay ang mga asidong amino upang maging asidong keto na gagamitin sa siklong asidong sitriko upang makagawa ng Adenosine triphosphate o ATP. Maari din maging mga imbak na taba ang mga ito. Ginagamit din ang ilan upang makagawa ng mga protinang plasma, subalit umaalis ang karamihan sa pamamagitan ng mga sinusoid ng atay na gagamitin ng mga selula ng katawan upang makagawa ng mga protina.

Mga sanggunian

baguhin
  • Marieb, Elaine M. Human Anatomy and Physiology. San Francisco: Pearson Benjamin Cummings, 2004., 972-973