Katedral ng Asuncion, Bangkok

Ang Katedral ng Asuncion (Thai: อาสนวิหารอัสสัมชัญ) ay ang punong Katoliko Romanong simbahang ng Thailand, na matatagpuan sa loob ng bakuran ng Kolehiyo Asuncion (Thailand) sa 23 Abenida Oriental, Bagong Daan, sa distrito ng Bang Rak ng Bangkok. Ito ang pangunahing simbahan ng Arkidiyosesis ng Bangkok. Binisita ito nina Papa Juan Pablo II at Papa Francisco sa kanilang mga paglalakbay sa Thailand noong 1984 at 2019.

Katedral ng Asuncion, Bangkok
Harapan ng simbahanMap
Relihiyon
PagkakaugnayKatoliko Romano
DistritoArkidiyosesis ng Bangkok
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyonAktibo
PamumunoArsobispo Francis Xavier Kriengsak Kovitvanit
Lokasyon
Lokasyon23 Abenida Oriental, Bagong Daan, Bang Rak, Bangkok, Thailand
Arkitektura
IstiloRomaniko
Nakumpleto1821
Direksyon ng harapanAxis sa Silangan at Kanluran
Websayt
Opisyal na website ng Katedral ng Pag-aakyat, Bangkok


Sa loob ng Katedral ng Asuncion

Kasaysayan

baguhin

Ang Katedral ng Asuncion ay matatagpuan sa loob ng 100 metro mula sa Otel Oriental[kailangan ng sanggunian] at ng Embahada ng Pransiya, at ang orihinal na gusali ay bunga ng kahilingan mula sa isang misyonerong Pranses, si Padre Pascal noong 1809 at ang gawain ng isang arkitektong Pranses na isinatapos ang katedral noong 1821 sa panahon ng paghahari ni Haring Rama II.[1] Ang katedral ay pinangalanang Asuncion, alay sa Birheng Maria at siya ay ginugunita sa simbahan sa panahon ng Pag-aakyat ng Birheng Maria, sa Araw ni Santa Maria tuwing Agosto 15.[1]

Sa huling bahagi ng kalahati ng ika-19 na siglo, ang simbahan at ang nakapaligid na lugar ay may mahalagang papel para sa mga Kristiyanong misyonero na makarating sa Bangkok, partikular pagkalipas ng 1860. Ang katedral ay bahagi ng isang serye ng mga gusali na binubuo ng Paaralang Kumbento ng Asuncion (Thailand), Katolikong Misyon ng Bangkok, Limbagang Asuncion, at rektoryo na pinaninirahan ng mga misyonero sa kanilang pamamalagi sa lungsod.

Ngunit bandang 1909 o 1910 ang simbahan ay sumailalim sa makabuluhang muling pagtatayo at itinayo sa estilong Romaniko pagitan ng 1910 at 1918.[1] Ang simbahan ay may isang matangkad na hugis-parihaba na estruktura na may isang pulang ladryilyong labas na kung saan ay katangi-tangi ito sa mga nakapaligid na puting gusali. Ang matangkad na mga parisukat na tore ay nasa tabi ng pangunahing pasukan. Sa loob ay isang mataas na kisame na pinalamutian ng maraming gayak na dekorasyon. Ang mga gastos sa konstruksiyon ay higit na isinaalang-alang ng isang lokal na negosyanteng Katoliko, si G. Low Khiok Chiang (kilala rin bilang Jacobe) na nagmamay-ari ng kalapit na Kiam Hoa Heng & Company, isang negosyo ng pamilyang Tsino na Teochew.

Noong 1942, sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga kalapit na gusali ay nawasak buhat ng pambobomba na nagresulta sa malubhang pinsala sa simbahan.[1] Matapos ay sumailalim ito sa malawak na pagpapanumbalik, at bahagyang isinaayos noong 1980s at 1990s. Ang mga minantsahang salaming bintana ay ginagamit na ngayon sa katedral.

Ang Katedral ng Asuncion ay nabisita na ng dalawang kataas-taasang obispo. Una, noong Mayo 1984 ay sinalubong ng katedral si Papa Juan Pablo II[1] at noong Nobyembre 22, 2019, binisita ni Papa Francisco ang katedral sa kaniyang apostolikong pagbisita sa Thailand kung saan isinagawa niya ang banal na misa kasama ang kabataang katoliko mula sa buong bansa,[2] buhat ng pagiging sentro ng Katoliko Romanong diyosesis doon.

Ang simbahan ay bukas pitong araw sa isang linggo. Ang mga serbisyo para sa misa tuwing Linggo ay isinasagawa alas-6 ng umaga, 7:30 ng umaga, 8:30 ng umaga, 10 ng umaga at 5 ng hapon.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Assumption Cathedral, Bangkok". Thailand Travel Services. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-03-01. Nakuha noong Oktubre 11, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Assumption Cathedral Bangkok:The French legacy on the Chao Phraya". Tour Bangkok Legacies. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Setyembre 2008. Nakuha noong Oktubre 11, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. UCA.News (2019-10-28). "UPDATED APOSTOLIC JOURNEY OF HIS HOLINESS FRANCIS TO THAILAND 19-23 NOVEMBER 2019". His Holiness Pope Francis Apostolic Visit to Thailand (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
baguhin