Katedral ng Berlin


Ang Katedral ng Berlin (Aleman: Berliner Dom), na kilala rin bilang, ang Ebanghelikong Kataas-taasang Parokya at Simbahang Kolehiyal, ay isang monumental na simbahang Ebanghelikong Aleman at dinastikong libingan (Pamilya Hohenzollern) sa Isla ng mga Pulo sa sentrong Berlin. Dahil sa pinagmulan nito bilang isang kapilya ng kastilyo para sa Palasyo ng Berlin, ilang mga estruktura ang nagsilbi upang tahanan ng simbahan mula noong mga 1400. Ang kasalukuyang simbahang kolehiyal ay itinayo mula 1894 hanggang 1905 sa pamamagitan ng utos ng Alemang Emperador na si Guillero II ayon sa mga plano ni Julius Raschdorff sa mga estilong muling pagbubuhay Renasimyento at Baroko. Ang nakatalang gusali ay ang pinakamalaking simbahang Protestante sa Alemanya[1] at isa sa pinakamahalagang dinastikong libingan sa Europa.[2] Bilang karagdagan sa mga serbisyo sa simbahan, ang katedral ay ginagamit para sa mga seremonya ng estado, mga konsiyerto, at iba pang mga pangyayari.

Katedral ng Berlin
Berliner Dom
Ang Berliner Dom: Ebanghelikong Kataas-taasang Parokya at Simbahang Kolehiyal (2017)
Relihiyon
Pagkakaugnay
ProvinceSamahan ng mga Simbahang Ebangheliko
Taong pinabanal1454, bilang Katoliko Romanong Kapilya ni San Erasmo
Lokasyon
LokasyonCölln, isang makasaysayang kapitbahayan ng Berlin, Alemanya
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Germany Berlin central" nor "Template:Location map Germany Berlin central" exists.
Mga koordinadong heograpikal52°31′9″N 13°24′4″E / 52.51917°N 13.40111°E / 52.51917; 13.40111
Arkitektura
(Mga) arkitekto
  • Martin Böhme (1717)
  • Johann Boumann ang Nakatatanda (1747–1750)
  • Karl Friedrich Schinkel (1817 and 1820–1822)
  • Julius at Otto Raschdorff, ama at anak (1894–1905)
Istilo
Nakumpleto
  • 1451 (unang gusali)
  • 1538 (ikalawang gusali)
  • 1750 (ikatlong gusali)
  • 1905 (ikaapat na gusali)
  • 1993 muling pinasinayaan matapos tanggalin ang mga pagkawasak ng digmaan
Gastos sa Pagtatayo11.5 milyo marko (1905)
Mga detalye
Direksyon ng harapanwest
Haba114 metro (374 tal), mas maikli simula ng demolisyon ng hilagang bulwagang pang-alaala noong 1975
Lapad74 metro (243 tal)
Taas ng simboryo (panlabas)115 metro (377 tal) (hanggang pagkawasak noong 1944)
Mga materyalesorihinal na ladrilyo, simula 1905, Silesia na areniska
Websayt
berliner-dom.de


Pagtunog ng mga kampanya ng Katedral ng Berlin
Berliner Dom

Mula noong gibain ang seksiyon ng Pang-alaalang Simbahan (Denkmalskirche) sa hilagang bahagi ng mga awtoridad ng Silangang Alemanya noong 1975, ang Katedral ng Berlin ay binubuo ng malaking Simbahang Pangsermon (Predigtkirche) sa gitna, at ang mas maliit na Simbahang Bautismo and Matrimonyo (Tauf- und Traukirche) sa timog na bahagi at ang kriptang Hohenzollern (Hohenzollerngruft), na sumasaklaw sa halos buong basement. Nasira noong pambobombang Alyado noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang orihinal na interyor ng katedral ay ipinanumbalik noong 2002. Sa kasalukuyan ay mayroong talakayan tungkol sa pagpapanumbalik din ng makasaysayang panlabas.

Mga tala

baguhin
  1. "Information for pupils and teachers | Berliner Dom". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-07-28. Nakuha noong 2022-07-28.
  2. "The 'Hohenzollern' crypt | Berliner Dom".

Mga sanggunian

baguhin
  •  Gottschalk, Wolfgang (1985). Altberliner Kirchen in Historischen Ansichten. Würzburg: Weidlich. ISBN 3-8035-1262-X.
  •  Kühne, Günther; Stephani, Elisabeth (1986) [1978]. Evangelische Kirchen in Berlin (ika-2nd (na) edisyon). Berlin: CZV-Verlag. ISBN 3-7674-0158-4.
baguhin

Padron:Visitor attractions in Berlin