Katedral ng Immaculada Concepcion (Hong Kong)
Ang Katedral ng Inmaculada Concepcion (Tsino: 聖母無原罪主教座堂) ay isang huling ika-19 na siglong Neogotikong Ingles na simbahang nagsisilbing katedral ng Katoliko Romanong Diyosesis ng Hong Kong. Matatagpuan ito sa lugar na Mid-Levels ng lungsod sa 16 Daang Caine.
Katedral ng Inmaculada Concepcion 聖母無原罪主教座堂 (sa Tsino) | |
---|---|
22°16′43.24″N 114°09′14.01″E / 22.2786778°N 114.1538917°E | |
Lokasyon | 16 Daang Caine, Hong Kong |
Bansa | Tsina |
Denominasyon | Katoliko Romano |
Kasaysayan | |
Consecrated | 8 Disyembre 1938 |
Arkitektura | |
Estado | Katedral |
Katayuang gumagana | Aktibo |
Pagtatalaga ng pamana | Unang Gradong Makasaysayang Gusali |
Arkitekto | Crawley and Company |
Istilo | Neogotiko |
Pasinaya sa pagpapatayo | 8 Disyembre 1883 |
Natapos | 7 Disyembre 1888 |
Pamamahala | |
Diyosesis | Katoliko Romanong Diyosesis ng Hong Kong |
Ang unang bato at pagtatayo ng katedral ay nagsimula noong 1883 matapos ang naunang katedral, sa Kalye Wellington, ay nawasak ng apoy. Itinayo mula sa ladrilyo at bato, ang bagong katedral ay idinisenyo ng kompanya sa arkitektura na nakabase sa Londres na Crawley at Company. Ang simbahan ay nagbukas noong Disyembre 7, 1888, isang araw bago ang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion, at ikinonsagrado noong 1938. Pagkalipas ng tatlong taon, nasira ito sa panahon ng Labanan ng Hong Kong, ngunit nanatili itong hindi nagalaw sa kasunod na pananakop ng Hapon sa Hong Kong. Sa pagsisimula ng siglo, ang katedral ay sumailalim sa isang malawak at magastos na programa ng pagsasaayos, na nakumpleto noong 2002. Ang katedral ay inilista ng Pamahalaan ng Hong Kong bilang isang Unang Gradong Makasaysayang Gusali.[1]
Arkitektura
baguhinPanloob
baguhinAng katedral, na itinayo sa isang estilong Gotikong Ingles, ay may hugis krus sabilang krus na Latin.[2] Ang mga panlabas na pader ng simbahan ay binuo mula sa ladrilyo at bato, habang nito base at haligi ay gawa ng granito. Ang sukat nito ay 82 metro (269 tal) haba, 40 metro (131 tal) malawak at 23.7 metro (78 tal) matangkad, na may tore sa gitna na tumataas sa 33.7 metro (111 tal).[3]
Altar ni San Jose
baguhinMatatagpuan sa kanan ng pangunahing dambana at santuwaryo ay ang dambana sa gilid[4] ni San Jose. Ibinigay ito sa katedral ni Haring Victor Emmanuel II ng Italya at ang donasyon ay pinabilis ni Joseph Mary Sala, isang maharlika ng Italya na nakatira na sa Hong Kong.[5] Ito ay pinalamutian ng maharlikang eskudo de armas ng Pamilya Saboya;[2] itong kapansin-pansing simbolo ng Italya ay sinabing nakatulong sa katedral na kilalanin ang sarili nito bilang Italyano kaysa Briton, at sa gayon, manatiling hindi nagalaw sa buong pananakop ng Hapon sa Hong Kong,[4] dahil ang Kaharian ng Italya at Imperyo ng Hapon ay pareho lumagda sa Kasunduang Tripartito.
Altar ng Sagradong Puso
baguhinMatatagpuan sa kaliwa ng pangunahing dambana ay ang dambana sa gilid na alay sa Sagradong Puso. Ginamit ito dati bilang mataas na dambana ng orihinal na katedral sa Kalye Wellington. Nandito na ngayon ang Banal na Sakramento—at nandito na ang pangunahing tabernakulo ng katedral matapos tanggalin ang mataas na dambana noong 1969—at nakalaan para sa Eukarisitiyang pagsasamba.[6]
Kapilya ng Pasyon ng ating Panginoon
baguhinMatatagpuan sa kanan ng sakristiya ng katedral ay ang gilid na kapilya ng Pasyon ng Ating Panginoon. Ibinigay ni JJ Braga, isang parokyano mula sa Portugal, ito ay muling inialay sa mga martir ng Tsina pagkatapos ng pagsasaayos noong 1997-2002. Ang kapilya ay napili sa apat upang gunitain ang mga bagong santo sapagkat ito ang pinakakatulad sa tema, na ang mga martir ay nagbuwis ng kanilang buhay para sa pananampalataya, na ginagaya ang sakripisyo ni Jesus upang iligtas ang sangkatauhan. Ang mga bagong minantsahang salamin ay naka-install na naglalarawan sa mga santo.[6]
Cripta
baguhinAng isang cripta ang itinayo sa ilalim ng dating Kapilya ng San Antonio noong 2009 upang mailagay ang labi ng dating mga Obispo ng Hong Kong. Binubuo ito ng dalawang Apostolikong Vicariato, sina Timoleon Raimondi at Dominic Pozzoni, at apat sa anim na patay nang obispo–Enrico Valtorta, Lorenzo Bianchi, Francis Hsu, at Peter Lei. Ang mga labi ni Bianchi ay huling inilagak kaysa iba dahil siya ay unang inilibing sa Milano. Samakatuwid, ang diyosesis ay kailangang humingi ng pahintulot upang payagan ang ilan sa kanyang labi na maihatid pabalik sa Hong Kong, at ang kahilingan ay tuluyang iginawad.[7] Ang labi ni John Baptist Wu at Michael Yeung ay inilibing sa St. Michael's Cemetery ng Happy Valley.[8]
Ang inspirasyon para sa cripta ay nagmula sa disenyo ng isang tradisyonal na bahay ng pamilyang Tsino, na naglalaman ng mga labi ng mga ninuno. Ang Obispo noong panahong iyon, si Joseph Cardinal Zen, ay naramdaman na ang cripta ay magiging isang "simbolikong hakbang upang manahin ang mga aral ng mga naunang salinlahi upang mapasigla ang mga darating."[9] Dahil ang katedral ay isang Unang Gradong Makasaysayang Gusali, ang paunang pagpapahintulot ay kailangang makuha mula sa Kagawaran ng mga Gusali bago maisagawa ang anumang gawaing konstruksiyon.[9]
Mga sanggunian
baguhinBibliograpiya
- Pickerell, David (2008). Historical Hong Kong Hikes. Asia City Ventures Ltd. ISBN 978-988-98094-2-3.
{{cite book}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - Spurrier, Pete (2010). The Heritage Hiker's Guide to Hong Kong. FormAsia Books Ltd. ISBN 978-988-98270-8-3.
{{cite book}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - Wiltshire, Trea (2012). A Stroll Through Colonial Hong Kong. FormAsia Books Ltd. ISBN 978-988-15562-3-3.
{{cite book}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Hong Kong Cathedral ng Immaculate Conception
- Roman Catholic Diocese ng Hong Kong
- Opisina ng UNESCO sa Bangkok - Catholic Cathedral ng Immaculate Conception, Hong Kong SAR
- ↑ "List of Graded Historic Buildings in Hong Kong" (PDF). Antiquities and Monuments Office. Government of Hong Kong. 6 Nobyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 9 Hulyo 2011. Nakuha noong 27 Disyembre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Spurrier 2010.
- ↑ "UNESCO Asia-Pacific Heritage Awards for Culture Heritage Conservation – Cathedral of the immaculate Conception, HKSAR" (PDF). Diocesan Building and Development Commission. Roman Catholic Diocese of Hong Kong. 29 Marso 2003. Nakuha noong 31 Enero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 4.0 4.1 Wiltshire 2012.
- ↑ "UNESCO Asia-Pacific Heritage Awards for Culture Heritage Conservation – Cathedral of the immaculate Conception, HKSAR" (PDF). Diocesan Building and Development Commission. Roman Catholic Diocese of Hong Kong. 29 Marso 2003. Nakuha noong 31 Enero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 6.0 6.1 "UNESCO Asia-Pacific Heritage Awards for Culture Heritage Conservation – Cathedral of the immaculate Conception, HKSAR" (PDF). Diocesan Building and Development Commission. Roman Catholic Diocese of Hong Kong. 29 Marso 2003. Nakuha noong 31 Enero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Five bishops reburied in "family house"". The Standard. Hong Kong. 29 Mayo 2009. Nakuha noong 11 Abril 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (kailangan ang suskripsyon) - ↑ Su, Xinqi (11 Enero 2019). "Top officials join Hong Kong Catholics in packed cathedral for Bishop Michael Yeung's funeral mass". South China Morning Post. Nakuha noong 16 Enero 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 "Five bishops reburied in "family house"". The Standard. Hong Kong. 29 Mayo 2009. Nakuha noong 11 Abril 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (kailangan ang suskripsyon)