Katedral ng Inmaculada Concepcion, Beijing
Ang Katedral ng Inmaculada Concepcion (Tsino: 圣母无染原罪堂), karaniwang kilala bilang simbahang Xuanwumen (Tsino: 宣武门天主堂; pinyin: Xuānwǔmén Tiānzhǔtáng) o Nantang (Tsino: 南堂; lit.: "the South Church") sa mga lokal, ay isang makasaysayang Katoliko Romanong simbahang matatagpuan sa Beijing, Tsina, Distrito ng Xicheng, malapit sa Kalyeng Pampinansiyal ng Beijing. Habang ang orihinal na pundasyon ng katedral ay noong 1605, kaya ito ay ang pinakamatandang simbahang Katoliko sa Beijing, ang kasalukuyang gusali sa estilong Baroko nagmula noong 1904.[1] Ang kasalukuyang Arsobispo na si Joseph Li Shan, na itinalaga noong Setyembre 2007, ay isa sa ilang mga obispong Katoliko na kinikilala rin ng Simbahang Makabayang Katolikong Tsino.
Katedral ng Inmaculada Concepcion | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Arkdiiyosesis ng Beijing |
Lokasyon | |
Lokasyon | 141 Qianmen Xidajie, Xuanwumen, Beijing 100031, Republikang Bayan ng Tsina |
Bansa | Tsina |
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Beijing" nor "Template:Location map Beijing" exists. | |
Mga koordinadong heograpikal | 39°54′03″N 116°22′27″E / 39.900798°N 116.374075°E |
Arkitektura | |
Nakumpleto | 1605 |
Tradisyunal na Tsino | 宣武門聖母無染原罪天主堂 | ||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pinapayak na Tsino | 宣武门圣母无染原罪天主堂 | ||||||||
| |||||||||
Alternatibong pangalang Tsino | |||||||||
Tsino | 南堂 (The "South Church") | ||||||||
|
Ang simbahan ay sarado para sa pag-aayos simula noong Disyembre 10, 2018.
Kasaysayan
baguhinAng Katedral ng Inmaculada Concepcion, sa pundasyon nito, ay nagsimula pa noong 1605, sa ika-33 taon ng paghahari ni Emperador Wanli ng dinastiyang Ming. Nang dumating ang Italyanong Heswitang Matteo Ricci sa Beijing, pinayagan siya ng Wanli Emperor na tumira nang bahagya sa kanlurang pook ng kasalukuyang katedral, malapit sa Xuanwumen. Nakalakip sa tirahan na ito ang isang maliit na kapilya, sa estilong Tsino, na may presensiya lamang ng krus sa itaas ng pasukan upang makilala ito bilang isang simbahan. Sa panahong ito, tinutukoy ito bilang Kapilya Xuanwuman (宣武门 礼拜堂).
Noong 1650, sa ikapitong taon ng paghahari ni Emperador Shunzhi ng dinastiyang Qing, sa ilalim ng pamumuno ng Alemang Heswitang si Johann Adam Schall von Bell, nagsimula ang gawain sa isang bagong gusali ng simbahan sa lugar ng Kapilya Xuanwumen. Ang konstruksiyon ay nakumpleto sa loob ng dalawang taon, at ang bagong simbahan ay nakatanggap ng karangalan ng isang seremonyal na tarangkahan na may mga salitang 'Igalang ang Mga Aral ng Daan ng Langit' (钦宗 天道).
Si Emperador Shunzhi ay nagong palakaibigan kay Schall at sa simbahan, binibisita ito nang hindi kukulangin sa 24 na beses, na pinagkalooban ito ng isang batong estela may nakasulat na mga salitang 'itinayo ng Kautusang Imperyal' (敕建).
Noong 1690, natanggap ng Beijing ang kauna-unahang Katoliko Romanong obispo sa loob ng tatlong daang taon, isang Franciscano, si Bernardin della Chiesa, at ang simbahan ay naging isang katedral.
Noong 1703, sa ika-24 na taon ng paghahari ni Emperador Kangxi, ang katedral ay pinalaki at inayos, at makalipas ang sampung taon, isang gusaling may estilong Europeo ang natapos, ang pangalawang gusaling may estilong Europeo sa Beijing pagkatapos ng Simbahan ng Canchikou. Nawasak ito noong 1720 buhat ng isang lindol sa Beijing. Ang isang bagong estruktura ng hugis krus itinayo sa estilong Baroko, na may haba na 86 metro at lapad ng 45 metro. Muli itong napinsala ng isang lindol noong 1730, sa ikawalong taon ng paghahari ni Emperador Yongzheng, na nagbigay ng 1000 tael ng pilak patungo sa pagkukumpuni nito. Ang inayos na katedral ay mas malaki at may mga mas matangkad na bintana, na nagreresulta sa isang mas maliwanag at mas dakilang loob.
Ang katedral ay napinsala ng apoy noong 1775, ang ika-40 taon ng paghahari ni Emperador Qianlong, na nag-abuloy ng 10,000 tael ng pilak para sa gawaing pagpapanumbalik, at nag-alay rin ng isang tablang kaligrapo mula sa kaniyang sariling sulat, na nakasulat sa mga karakter na 万 有 真 原', nangangahulugang 'Ang Tunay na Pinagmulan ng Lahat ng Bagay'.
Noong 1838, sa ika-14 na taon ng paghahari ni Emperador Daoguang, dahil sa patuloy na mga salungatan sa kapangyarihan at impluwensiya ng Simbahang Katolika, alang-alang sa kapayapaan, ang gobyerno ng Qing ay nagpasiya ng isang paghihigpit sa aktibidad ng Simbahang Katolika sa Tsina. Sa atas na ito, ang katedral ay kinumpiska ng gobyerno at nanatili itong ganoon hanggang sa natapos ang Ikalawang Digmaang Opyo, nang muling pahintulutan ang Simbahang Katolika na kumilos nang malaya. Ang katedral ay muling binuksan noong 1860 sa ilalim ng pamumuno ni Obispo Joseph Martial Mouly.
Nang sumiklab ang Rebelyong Boxer noong 1900, ang lahat ng simbahan ng Beijing ay pinunterya ng paninira, at noong 14 Hunyo 1900, ang katedral ay winasak nang buo, kasama ang karamihan sa iba pang simbahan ng Beijing.
Noong 1904, ang kasalukuyang estruktura, ang ika-apat na simbahan sa lugar, ay nakumpleto. Noong ika-21 ng Disyembre 1979, ikinonsagrado ni Obispo Michael Fu Tieshan ang katedral, ang unang pangunahing pangyayari sa buhay ng Simbahang Katolika sa Tsina pagkatapos ng Himagsikang Pangkalinangan.
Ang katedral ay marahil ang pinakakilala sa mga dayuhan sa Tsina, dahil ang mga misang ipinagdiriwang ay nasa wikang Ingles.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Clark, Anthony E. "China's Thriving Catholics: A Report From Beijing's South Cathedral Naka-arkibo 2021-05-05 sa Wayback Machine.." Ignatius Insight August 20, 2008.
Mga panlabas na link
baguhin- Clark, Anthony E. " Umusbong na mga Katoliko ng Tsina: Isang Ulat Mula sa South Cathedral ng Beijing Naka-arkibo 2021-05-05 sa Wayback Machine. ." Ignatius Insight Agosto 20, 2008.
- Wang, Lianming. " Jesuitenerbe sa Peking: Sakralbauten und transkulturelle Räume 1600-1800, "Heidelberg: Universitätsverlag Winter, 2020.