Katedral ng Inmaculada Concepcion, Pondicherry

Ang Katedral ng Inmaculada Concepcion (Pranses: Cathédrale de l'Immaculée-Conception de Pondichéry, Tamil: தூய அமலோற்பவ அன்னை பேராலயம்) Ay ang inang simbahang katedral para sa Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Pondicherry at Cuddalore. Matatagpuan ito sa Unyong teritoryo ng Puducherry. Ang simbahan ay kilala rin bilang Samba Kovil[1] (Tamil: சம்பா கோயில்), na kung saan ay isang ponetikong pag-iiba sa "Saint Paul Kovil" kung saan ang "Kovil" ay nangangahulugang simbahan.

Katedral ng Inmaculada Concepcion, Pondicherry
Tanaw sa harap ng katedral, na kita ang bantayog ng Sagradong Puso ni Hesus.

Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/India Puducherry" nor "Template:Location map India Puducherry" exists.Immaculate Conception Cathedral, Pondicherry

11°55′59″N 79°49′50″E / 11.93299°N 79.83055°E / 11.93299; 79.83055
LokasyonPondicherry, Puducherry
BansaIndia
DenominasyonKatoliko Romano
Kasaysayan
Dating pangalanSimbahan ni San Pablo
Nag-awtorisang bula ng papal1692
NagtatagMga Heswita
DedikasyonInmaculada Concepcion ng Pinagpalang Birheng Maria
Consecrated1791
Dating obispoMsgr. Michael Augustine
Arkitektura
EstadoKatedral at Simbahang parokya
Katayuang gumaganaAktibo
Uri ng arkitekturaKatedral
IstiloHerreriano
Pasinaya sa pagpapatayo1699
Natapos1791
GinibaTatlong beses sa pagdaan ng panahon:
  • 1693 ng mga Olandes
  • Bandang 1730
  • 1761 ng mga Britaniko
Ngunit muling tinatayo ang simbahan sa parehong pook.
Pamamahala
ParokyaParokhang Katedral
ArkidiyosesisArkidiyosesis ng Pondicherry at Cuddalore
Klero
ArsobispoMsgr. Antony Anandarayar
(Mga) PariRev. Fr. A. Arulanandam

Kasaysayan

baguhin
 

Ang mga Paring Heswita ay dumating sa kolonyang Pranses na Pondicherry bilang mga misyonero noong 1689. Bumili sila roon ng napakalaking halamanan sa kanluran ng Moog na Pranses. Noong 1692 sila, na may tulong pananalapi ni Louis XIV, hari ng Pransiya, ay nakapagtayo ng isang simbahan, ngunit giniba ng mga Olandes sa sumunod na taon. Ang pangalawang Simbahan ay mabilis na itinayo noong 1699 ngunit hindi nagtagal.

Mula 1728 hanggang 1736 isang malaking simbahan ang itinayo sa lugar ng kasalukuyang Katedral. Ang pangatlong simbahan na ito ay giniba ng mga Britaniko noong 1761 sa panahon ng Digmaang Pitong Taon.

Ang itinayo noong 1765 ay isang probisyonal (pang-apat sa pagkasunod-sunod) na gumaganang gusali na isang di-regular na hugis na kubo ay kung saan ngayon ang Limbagan ng Misyon (opisyal na limbagan ng arkidiyosesis), dahil noong taong 1770 ay naging masigasig ang mga Pari sa pagbuo ng kasalukuyang katedral sa tuktok ng mga pundasyon ng ika-3 Simbahan. Noong 20 Hunyo 1791 ang pangunahing konstruksiyon ay natapos at ang Simbahan ay ikinonsagrado ni Obispo Champenois. Ang simboryo ay itinayo kalaunan. Ang luklukan ng koro ay idinagdag noong 1905. Ang santuwaryo ay binago noong taong 1970. Ang esplanada sa harapan ng Cathedral ay binago noong 1987, upang mapahintulutan ang mga tao na makibahagi sa mga seremonyang liturhiko at mga espesyal na gawain na ginagawa sa labas.

Ang Kapistahan ng Simbahang ito, ang Inmaculada Concepcion ng Mahal na Birheng Maria ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 8. Ang simbahan ngayon na nagtagal na ng halos 300 taon ay ang lugar din kung saan matatagpuan ang bahay ng obispo. Isinasagawa ang mga serbisyong pangmisa sa Tamil at Ingles.

Ito ay isa sa pinakamatandang pook pangturista sa Puducherry, at binisita ito Madre Teresa sa kaniyang pagbisita sa Puducherry.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. unia