Kristiyanismo sa India
Ang Kristiyanismo ay ang ikatlong pinakamalaking relihiyon sa India matapos ang Hinduismo at Islam, na may humigit-kumulang na 31.9 milyong tagasunod, na bumubuo ng 2.3 porsyento ng populasyon ng India (2011 senso).[2] Ayon sa tradisyon ng mga Kristiyanong India, ang pananampalatayang Kristiyano ay ipinakilala sa India ni Tomas ang Alagad, na sinasabing umabot sa Baybaying Malabar (Kerala) noong 52 AD.[3][4][5][6] Ayon sa isa pang tradisyon, si Bartolome ang Alagad ay sinasabing sabay na ipinakilala ang Kristiyanismo sa kahabaan ng Baybaying Konkan.[7] Mayroong pangkalahatang pinagkasunduan ang iskolar na ang mga pamayanang Kristiyano ay matatag nang naitatag sa Baybaying Malabar (Kerala) ng India noong ika-6 na siglo AD,[8] na mga pamayanan na gumamit ng Siriakong liturhiya. Simula mula noong kolonisasyong Europa mula ika-15 siglo maraming pamayanang Kristiyanismong Kanluranin tulad ng Ritung Latinong Katoliko at mga Protestante ang itinatag sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Nasrani cross.jpg | |
Kabuuang populasyon | |
---|---|
31,850,000 (2011)[1] | |
Mga rehiyong may malalaking populasyon | |
Kalakhan sa Nagaland na may 90%, Mizoram na may 90%, at Meghalaya na may 83%. Pluralidad sa Manipur na may 41.3% at Arunachal Pradesh na may 35%. Natatanging bilang sa Goa na may 25%, Kerala na may 18.28%, at Tamil Nadu na may 6.2%. | |
Mga relihiyon | |
Kalakhang Protestante at Katoliko; minoridad ang Ortodokso, at iba pa.[1] | |
Mga wika | |
Hindi, Ingles, Tamil , Bodo, Khasi, Karbi, Mizo, Rabha, Mushing, Naga, Kuki, Garo, Hmar, Bengali, Nepali, Assamese, Malayalam, Odia, Gujarati, Kokborok, Konkani, Kannada, Telugu, at samu't saring mga wikang Indiano |
Ang mga Kristiyano sa India ay kasapi ng iba't ibang denominasyon ng simbahan bagaman ang ilan ay hindi rin denominasyonal. Ang estado ng Kerala ay tahanan ng pamayanan ng mga Kristiyano ni Santo Tomas, isang sinaunang pangkat ng mga Kristiyano na ayon sa tradisyon ay inuugat ang kanilang pinagmulan sa gawaing ebanghelyo ni Tomas ang Alagad noong unang dantaon.[6] Nahahati sila ngayon sa maraming iba't ibang simbahan at tradisyon. Mayroong mga denominasyon ng Ritung Silangang Siriako: ang Simbahang Katolikong Syro-Malabar at ang Simbahang Caldea Siriano. Mayroong mga denominasyong Ritung Kanlurang Siriako : ang Simbahang Ortodoksong Syranong Malankara, ang Kristiyanog Simbahang Jacobong Syriano, ang Simbahang Syrianong Mar Thoma, ang Simbahang Katolikong Syro-Malankara, at ang Malayang Simbahang Syriano ng Malabar. Ang mga Anglikanong Santo Tomas ay miyembro ng Simbahan ng Timog India (CSI).[9][10][11] Ang Ritung Romanong Katolisismo ay ipinakilala sa India ng mga Portuges, mga Italyanong Capuchino, at mga Irlandang Heswita mula noong ika-16 na siglo, sa ilalim ng impluwensiya ng mga kaalyadong emperyo nito, na nagresulta sa pagtatag ng mga pamayanan tulad ng mga Kristiyanong Bettiah ng Bihar.[12][13] Maraming paaralang Kristiyano, ospital, at sentro ng pangunahing pangangalaga ang nagmula sa mga misyong Katoliko Romano na dinala ng kalakalan sa mga bansang ito.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Hackett, Conrad (Disyembre 2011). "Global Christianity A Report on the Size and Distribution of the World's Christian Population" (PDF). Pew–Templeton global religious futures project. pp. 19, 27, 57, 60, 75, 83, 90, 119.
Estimated 2010 Christian Population 31,850,000 (pages 19, 60, 75) Protestant 18,860,000 Catholic 10,570,000 Orthodox 2,370,000 Others 50,000 (pages 27, 83)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "India has 79.8% Hindus, 14.2% Muslims, says 2011 census data on religion". Firstpost. 26 Agosto 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Abril 2020. Nakuha noong 14 Agosto 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Carman, John B.; Rao, Chilkuri Vasantha (3 Disyembre 2014). Christians in South Indian Villages, 1959–2009: Decline and Revival in Telangana (sa wikang Ingles). Wm. B. Eerdmans Publishing. p. 31. ISBN 978-1-4674-4205-3.
Most Indian Christians believe that the apostle Thomas arrived in southwest India (the present state of Kerala) in 52 C.E. and several years later was martyred outside the city of Mailapur (now part of metropolitan Chennai), on a hill now called St. Thomas Mount.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Surprisingly Early History of Christianity in India".
- ↑ "About Thomas The Apostle". sthhoma.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Pebrero 2011. Nakuha noong 26 Hunyo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Fahlbusch, Erwin; Bromiley, Geoffrey William; Lochman, Jan Milic (2008). The Encyclodedia of Christianity. Wm. B. Eerdmans Publishing. p. 285. ISBN 978-0-8028-2417-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tracing St Bartholomew's footsteps to Betalbatim – Times of India". The Times of India. Nakuha noong 2019-03-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Suresh K. Sharma, Usha Sharma. Cultural and Religious Heritage of India: Christianity.
The earliest historical evidence, however, regarding the existence of a Church in South India dates from the sixth century A.D
- ↑ "Kerala window". www.keralawindow.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-29. Nakuha noong 2020-11-18.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stephen Neill (2 Mayo 2002). A History of Christianity in India: 1707–1858. Cambridge University Press. pp. 247–251. ISBN 978-0-521-89332-9. Nakuha noong 31 Agosto 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A History of the Church of England in India, by Eyre Chatterton (1924)". Anglicanhistory.org.
- ↑ "Bihar Christians have fostered faith harmony 250 years" (sa wikang Ingles). Union of Catholic Asian News. 6 November 1995. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Nobiyembre 2020. Nakuha noong 14 November 2020.
Cherubim John, a writer and historian, said the Bettiah community began after Italian Capuchin Father Joseph Mary Bernini cured the local queen of an "incurable" illness. The king donated 16 hectares of land later known as the "Christian Quarters" to the Capuchins. The king allowed Father Bernini, who was on his way to Tibet, to preach, and helped build a church next to his palace.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "YouTube". www.youtube.com. Nakuha noong 2020-07-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)