Ang Goa /ˈɡ.ə/ ay ang pinakamaliit na estado ng India, at ikaapat na may pinakakaunting populasyon. Matatagpuan sa kanlurang India sa rehiyong na kung tawagin ay Konkan, ito ay pinalilibutan ng mga estado ng Maharashtra sa hilaga, ng Karnataka sa silangan at timog, habang ang Dagat Arabiano naman ang kanlurang baybayin nito. Ang Goa ang pinakamayaman na estado ng India na may per capita GDP na dalawa't kalahati ang taas kaysa sa buong bansa.[4] Ito rin ang nangungunang estado sa imprastruktura ayon sa Eleventh Finance Commission at may pinakamataas na kalidad ng buhay sa India ayon National Commission on Population batay sa 12 pamantayan.[4]

Goa
Kinaroroonan ng Goa (kulay pula) sa India
Kinaroroonan ng Goa (kulay pula) sa India
Mapa ng Goa
Mapa ng Goa
Mga koordinado (Panaji): 15°30′N 73°50′E / 15.50°N 73.83°E / 15.50; 73.83
Bansa India
RehiyonKanlurang India
ItinatagMayo 30, 1987
KabiseraPanaji
Pinakamalaking lungsodVasco da Gama
Distrito2
Pamahalaan
 • GobernadorMridula Sinha
 • Pangunahing MinistroManohar Parrikar (BJP)
 • LehislaturaUnicameral (40 puwesto)
 • Parliamentary constituency2
 • Mataas na HukumanBombay High Court – Panaji, Goa Bench
Lawak
 • Kabuuan3,702 km2 (1,429 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakika-29
Populasyon
 (2011)
 • Kabuuan1,457,723
 • Ranggoika-26
 • Kapal390/km2 (1,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+05:30 (IST)
Kodigo ng ISO 3166IN-GA
HDIIncrease 0.779 (high)
Ranggo sa HDIika-3 (2005)
Literacy88.70% (ika-3)
Wikang opisyalKonkani
Websaytwww.goa.gov.in
^* Ang Konkani ay ang tanging wikang opisyal ngunit pinapayagan ding gamitin ang Marathi sa ano man opisyal na gawain.[1][2][3]

Panaji ang kabisera ng estado, habang ang Vasco da Gama naman ang pinakamalaking lungsod nito. Ang makasaysayang lungsod ng Margao ay makikitaan pa rin ng impluwensiya ng mga Portuges, na unang dumaong noong ika-16 siglo bilang mangangalakal at kalauna'y sumakop dito. Ang Goa ay dating lalawigan ng Portugal; ito ay ang ibayong-dagat na teritoryo ng Portuguese India na umiral ng 450 taon, hanggang 1961 nang ito'y isinanib na sa India.[5][6]

Dinadalaw ang Goa ng maraming dayuhan at lokal na turista taon-taon dahil sa mga dalampasigan nito, pook dalanginan at ang Lumang Goa. Mayaman din ang flora at fauna ng Goa, dahil na rin sa lokasyon nito sa kabundukan ng Western Ghats, na itinuturing na isang hotspot ng sanlaksang-buhay.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Goa". Commissioner Linguistic Minorities, 42nd Report, July 2003 to June 2004. National Commissioner Linguistic Minorities. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Septiyembre 2009. Nakuha noong 17 July 2007. Konkani is the only official language of the state. There actually is no second official language. However, as per notification, Marathi will be used for the purpose of reply by the Government whenever communications are received in that language. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  2. UNI (30 Mayo 2007). "Marathi vs Konkani debate continues in Goa". rediff.com. Rediff.com India Limited. Nakuha noong 17 Hulyo 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Government of Goa. "About Goa". goa.gov.in. Goa Government. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-16. Nakuha noong 2014-09-23. At present, Marathi and Konkani are two major languages of Goa.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Reports of the finance commissions of India: First Finance Commission to the Twelfth Finance Commission: the complete report. India. Finance Commission. Academic Foundation. 2005. p. 268. ISBN 81-7188-474-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: others (link)
  5. "Liberation of Goa". Government Polytechnic, Panaji. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Septiyembre 2007. Nakuha noong 17 July 2007. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  6. Pillarisetti, Jagan. "The Liberation of Goa: an Overview". The Liberation of Goa:1961. bharat-rakshak.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2007. Nakuha noong 17 Hulyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)