Katedral ng Irsina
Ang Katedral ng Irsina (Italyano: Cattedrale di Santa Maria Assunta, Duomo di Irsina), dating Katedral ng Montepeloso,[kailangan ng sanggunian] ay isang Katoliko Romanong katedral na alay sa Pag-aakyat sa Langit kay Maria, na matatagpuan sa Irsina sa rehiyon ng Basilicata, Italya. Mula noong 1977 ito ay naging isang konkatedral ng Arkidiyosesis ng Matera-Irsina, at dati, mula 1818, isang konkatedral ng Diyosesis ng Gravina-Irsina. Bago ito, ito ang luklukan ng Diyosesis ng Montepeloso. Ang kasalukuyang gusali ay itinayo noong ika-13 siglo at binago noong 1777. Mayroon itong patsadang Baroko at isang Gotiko na campanile. Naglalaman ito ng isang balong sa pagbibinyag na gawa sa pulang marmol at isang bilang ng mga ika-18 siglong pinta mula sa Paaralang Napolitano.
Mga tala
baguhinMga pinagkuhanan
baguhinMga sanggunian
baguhinWalang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2023) |