Arkitekturang Baroko
Ang arkitekturang Baroko ay isang estilo ng pagtatayo ng mga gusali noong panahong Baroko, na nagsimula sa dulo ng ika-16 na siglo sa Italya, na umayon sa bokabularyong Romano ng arkitekturang Renasimiyento at ginamit sa isang bagong estilong pangretorika at panteatro, na madalas na isalamin ang pagtatagumpay ng Simbahang Katolika. Kinatatangian ito ng mga bagong pagtuklas sa hulma, liwanag at anino, at dramatikong sidhi. Ang madadalas na katangian ng arkitekturang Baroque ay malalakihang proporsiyon; isang malaking bukas na sentral na espasyo kung saan lahat ay makakakita ng dambana; pulupot na mga haligi, mala-teatrikong pagsambulat, kasama ang ilaw na nagmumula sa kupola sa itaas; dramatikong epekto sa loob sa pamamagitan ng tanso at pagtutubog; kumpol ng mga inukit na anghel at iba pang piguro sa ibabaw; at masaklaw na paggamit ng trompe-l'oeil, na tinatawag ding "quadratura," na pinta ng mga detalyeng pang-arkitektura sa mga dingding at kisame, upang lalong lumakas ang epektong pangdramatiko at panteatriko.[1]
Kaiba sa Renasimyento na humalaw ng yaman at kapangyarihan sa mga korte ng Italya at halong mga puwersa ng sekular at relihiyoso, ang Baroko, ay sa una, tuwirang nakaugnay sa Kontra-Reporma, isang kilusan sa loob ng Simbahang Katolika na tumuligsa sa Repormang Protestante.[2] Ang arkitekturang Baroko at ang mga pampaganda ay sa isang banda mas naging malapit sa mga damdamin at sa isang banda, isang litaw na pagpapakita ng yaman at kapangyarihan ng Simbahang Katolika. Naisabuhay ang bagong estilong ito partikular sa kinalalagyan ng mga bagong ordeng relihiyoso, gaya ng mga Teatino at ng mga Heswita na naglayon sa pagpapaunlad ng relihiyosong pagpapakabanal.
Ang Baroko na sining Luterano, gaya ng sa Dresden Frauenkirche (1726-1743), ay umusbong bilang konfesiyonal na tanda ng pagkakakilanlan, tugon sa Dakilang Pagwasak ng mga Bulto ng mga Calvinista.[3][4]
Ang arkitektura ng Mataas na Romanong Baroko ay mauugnay sa pamumuno nina Urbano VIII, Inocencio X, at Alejandro VII, mula 1623 hanggang 1667. Tatlong pangunahing arkitekto ng panahong ito ay ang manlililok na si Gianlorenzo Bernini, Francesco Borromini, at ang pintor na si Pietro da Cortona na nagpaunlad ng kani-kaniyang natatanging indibidwal na arkitektural na pagpapahayag.
Ang pagpapakalat ng arkitekturang Baroko sa timog Italya at nakapagbuo ng mga kaibahang rehiyonal gaya ng Sicilianong Baroko o ng Napoles at Lecce. Sa hilaga, ang mga Teatinong arkitekto na sina Camillo-Guarino Guarini, Bernardo Vittone, at Filippo Juvarra na tubong Sicilia ay nakapag-ambag sa mga gusaling Baroko ng lungsod ng Turino at rehiyong Piemonte.
Isang pagsasanib ng mga arkitektura nina Bernini, Borromini, at Cortona ay makikita sa huling arkitekturang Baroko ng hilagang Europa na nagbigay-daan sa mas mapalamuti na estilong Rococo.
Sa kalagitnaan ng ika-17 siglo, ang estilong Baroko ay nakatagpo ng mga sekular na pagpapahayag sa porma ng mga dakilang palasyo, na nagsimula sa Pransiya—gaya ng Château de Maisons (1642) malapit sa Paris ni François Mansart—at saka sa buong Europa.
Sa ika-17 siglo, kumalat ang arkitekturang Baroko sa Europa, Amerikang Latino, at Pilipinas, na kung saan tiyak na pinalaganaap ito ng mga Heswita
Mga nauna at mga katangian ng arkitekturang Baroko
baguhinAng huling Romanong gusali ni Michelangelo, partikular sa Basilika ni San Pedro, ay maaaring ituring bilang nauna sa arkitekturang Baroko. Ipinagpatuloy ang ganitong gawi sa Roma ng kaniyang mag-aaral na si Giacomo della Porta, partikular sa patsada ng Il Gesù, na may direktang kaugnayan sa pinakamahalagang patsada ng simbahan ng simulang Baroko, ang Santa Susanna ni Carlo Maderno.[5]
Ilan sa mga natatanging katangian ng Baroko:
- sa mga simbahan, maluluwag na nabe at minsan ay hugis itlog
- pira-piraso o sinasadyang hindi kompletong mga elementong pang-arkitektura
- dramatikong paggamit ng ilaw; maaaring masidhing kaibahaan sa ilaw-at-anino (epektong chiaroscuro) gaya ng simbahan ng Abadiya ng Weltenburg, o ng pantay na pag-ilaw sa pamamagitan ng ilang bintana (hal. Abadiya ng Weingarten).
- marangyang paggamit ng mga kulay at palamuti (putti o mga pigura gawa ng kahoy (kadalasan ay tinubog), eskayola o stucco, marmol o artipisyal na pagtatapos).
- dambuhalang mga fresco sa kisame
- isang patsada sa labas na madalas may kinatatangian ng dramatikong sentral na pag-ungos
- ang loob ay may mararangyang pintura, lilok, at stucco (lalo na sa huling Baroko)
- ilusyonistang epekto gaya ng trompe l'oeil (iasng pamamaraang pansining na ginagamitan ng makatotohanang mga imahen upang makalikha ng ilusyon sa mata na tila magpapakita sa mga pinta bilang mga bagay na na sa tatlong dimensiyon) at ang paghahalo ng pagpinta at arkitektura
- mga simboryo na hugis peras sa Bavaria, Tseko, Polako, at Ukranyong Baroko
- Mga haligi alay kay Maria at Banal na Santatlo na itinatayo sa mga bansang Katolika, madalas para sa pagpapasalamat buhat ng salot
Baroko at kolonyalismo
baguhinBagaman maaaring tingnan ang arkitekturang Baroko bilang isang pangyayari sa Europa, sinabayan nito, at naging mahalaga ito sa pag-usbong ng kolonyalismong Europeo. Kinailangan ng kolonyalismo ang pagpapaunlad ng mga sentralisado at makapangyarihang gobyerno ng Espanya at Pransiya, mga unang bansa na tumahak nang ganito.[6] Dinala ng kolonyalismo ang mararaming yaman, hindi lamang sa pilak na minina sa mga minahan ng Bolivia, Mexico, at iba pa, ngunit pati na rin sa kinalabasan ng kalakalan sa mga kalakal, gaya ng sa asukal at tabako. Ang pangangailangan upang masakop ang mga ruta ng kalakaal, mga monopolyo, at pang-aalipin, na pangunahing napasakamay ng mga Pranses noong ika-17 siglo, ay nakalikha ng ilang halos walang-humpay na giyera sa pagitan ng mga mananakop: ang Mga Giyera ng Relihiyon ng Pransiya, ang Digmaan ng Tatlumpung Taon (1618 at 1648), Digmaang Franco-Español (1635-1659) (1653), ang Digmaang Franco-Olanda (1672-1678), at marami pa. Ang mga naunang maling pamamahala ng yamang kolonyal ng Espanya ang nagpabangkarote sa kanila noong ika-16 na siglo (1557 at 1560), na may mabagal na pagpapanumbalik sa sumunod na siglo. Ito ang dahilan na kung bakit ang estilong Baroko, bagaman lumaganap sa buong Imperyong Kastila, ay sa malaking banda, sa Espanya, isang arkitektura ng mga ibabaw at patsada, iba sa Pransiya at Austria na kung saan ay kakikitaan ng maraming malalaking palasyo at monasteryo. Kaiba sa Espanya, ang Pransiya sa ilalim ni Jean-Baptiste Colbert (1619–1683), ang ministro ng pinansiya, ay nagsimulang gawing industriyalisado ang kanilang ekonomiya, at sila ay nakinabang sa pagdaloy ng yaman. Bagaman ikinaunlad ito sa industriya ng pagtatayo at sa mga sining, lumobo ang presyo bunga ng bagong yaman, na hindi naranasan noon pa man. Kilala lang ang Roma sa mararangya nitong mga bagong simbahan gaya ng sa mga bagamundo nito.[7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ducher (1988), Flammarion, pg. 102
- ↑ Madalas ituring ang Konsilyo ng Trento (1545–1563) bilang simula ng Kontra-Reporma.
- ↑ Heal, Bridget (20 Pebrero 2018). "The Reformation and Lutheran baroque" (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Nakuha noong 1 Mayo 2018.
However, the writings of theologians can go only so far towards explaining the evolution of confessional consciousness and the shaping of religious identity. Lutheran attachment to religious images was a result not only of Luther's own cautious endorsement of their use, but also of the particular religious and political context in which his Reformation unfolded. After the reformer's death in 1546, the image question was fiercely contested once again. But as Calvinism, with its iconoclastic tendencies, spread, Germany's Lutherans responded by reaffirming their commitment to the proper use of religious images. In 1615, Berlin's Lutheran citizens even rioted when their Calvinist rulers removed images from the city's Cathedral.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Heal, Bridget (1 Disyembre 2011). "'Better Papist than Calvinist': Art and Identity in Later Lutheran Germany". German History (sa wikang Ingles). German History Society. 29 (4).
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ For discussion of Maderno’s facade, see Wittkower R., Art & Architecture in Italy 1600–1750, 1985 edn, p. 111
- ↑ Bagaman may malawak na literatura sa paksang ito, mababasa ang maikli, ngunit pangkalahatang-idea sa: Francis Ching, Mark Jarzombek, Vikram Prakash, A Global History of Architecture, Wiley Press, 2006.
- ↑ Peter Pater. Renaissance Rome. (University of California Press, 1976) pp.70–3.