Katedral ng Lungsod ng Guatemala
Ang Banal na Katedral na Simbahan Metropolitanong Basilika ng Santiago de Guatemala na tinatawag ding Metropolitanong Katedral, na opisyal na Catedral Primada Metropolitana de Santiago, ay ang pangunahing simbahan ng Lungsod ng Guatenala at ng Arkidiyosesis ng Guatemala (Archidioecesis Guatimalensis).[1] Matatagpuan ito sa Parque Central sa sentro ng lungsod. Ang napakalaking estruktura nito ay nagsasama ng mga elemento ng baroko at klasiko na nakatindig sa kabila ng mga lindol. Ang mga pinsala buhat ng mapangwasak na lindol noong 1917 at 1976 ay iniayos. Ang loob ng katedral ay medyo bahagyang pinalamutian lamang ngunit napapatampok ang laki at ang tikas ng estruktura nito. Ang mga dambana ay gayak at maraming palamuti. Sa harapan ng katedral ay nakatayo ang isang serye ng 12 haligi, taimtim na pag-alala ang mga pangalan ng libo-libong Naka-arkibo 2003-01-15 sa Wayback Machine. desaparecido o pinaslang sa panahon ng kontrainsurhensiyang karahasan ng digmaang sibil ng Guatemala, na nagsimula noong 1960 at tumagal hanggang sa ang huling kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan noong 1996.
Banal na Katedral na Simbahan Metropolitang Basilika ng Santiago de Guatemala -Catedral Primada Metropolitana de Santiago de Guatemala | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyon | Katedral |
Taong pinabanal | 25 Marso 1815 |
Katayuan | Aktibo |
Lokasyon | |
Lokasyon | Lungsod ng Guatemala, Guatemala |
Arkitektura | |
Uri | Simbahan |
Istilo | Neoklasiko |
Groundbreaking | 1782 |
Nakumpleto | 1871 |
Mga detalye | |
Direksyon ng harapan | Kanluran |
(Mga) simboryo | 1 |
Mga materyales | Bato |
Mga tala at sanggunian
baguhinMga panlabas na link
baguhin- May kaugnay na midya ang Catedral de Guatemala sa Wikimedia Commons