Lungaw

(Idinirekta mula sa Simboryo)

Ang lungaw[1], simboryo[2] o domo[1] ay isang pag-aaring katangiang panggusali sa larangan ng arkitektura na pangkaraniwang kahawig ng pang-itaas na hatì ng isang timbulog o esperong nasa ituktok ng isang gusali. Sa ibang pakahulugan, isa itong bubong na kahugis ng biniyak na bao. Tinatawag din itong langit-langitan, palyo (partikular na ang sa altar), bubida, "limbo", "yungib", o "kuweba".[1]

Lungaw ng Basilika ni San Pedro sa Roma. Mayroon itong koronang tinatawag na kupola[1] (tinatawag ding bubida o linterna).[1] Dinisenyo ito ni Michelangelo, ngunit nakumpleto lamang ang simboryo noong 1590.

Isa itong katangiang-kasangkapan na nagpapahintulot sa maraming mga pampananampalataya at mga pampamahalaang mga gusali upang mamukod-tangi, sapagkat madaling makita at makilala ang isang mahalagang gusali, katulad ng isang palasyo, simbahan, o kaya isang templo. Gayundin, kapag nagsasalita ang isang tao habang nakikipag-usap sa iba pang mga tao habang nasa loob o nasa ilalim ng isang simboryo, nagiging mas malakas ang tunog ng tinig.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Gaboy, Luciano L. Dome; cupola - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Dome". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Dome Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.