Katedral ng Trapani
Ang Katedral ng Trapani, tinatawag ding Basilika ng San Lorenzo Martir (Italyano: Duomo di Trapani; Basilica cattedrale di San Lorenzo martire) ay ang katedral ng Katoliko Romanong Diyosesis ng Trapani, na alay kay San Lorenzo. Matatagpuan ito sa Trapani, Sicilia, Italya.
Ang simbahan ay itinayo sa pamamagitan ng utos ni Alfonso ang Magnanimo noong 1421 at itinaas bilang isang parokya sa ikalawang kalahati ng ikalabing limang siglo. Noong 1844, nang nilikha ang Diyosesis ng Trapani, ang simbahan ay ginawang luklukang episkopal.
Sa mga sumusunod na siglo, ang gusali ay binago nang maraming beses at ang kasalukuyang hitsura ay mula sa restawrasyon ng ikalabinwalong siglo ng arkitektong si Giovanni Biagio Amico.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Giovanni Bonanno. Cattedrali di Sicilia. M. Grispo, 2000.
Mga panlabas na link
baguhin- Midyang kaugnay ng Trapani Cathedral sa Wikimedia Commons