Trapani
Ang Trapani (EU /ˈtrɑːpəni/ TRAH-pə-nee, Italyano: [ˈTraːpani]; Sicilian: Tràpani [ˈƮɽaːpanɪ]; Latin: Drepanum; Sinaunang Griyego: Δρέπανον) ay isang lungsod at munisipalidad (komuna) sa kanlurang baybayin ng Sicilia, sa Italya. Ito ang kabesera ng Malayang Konsorsiyong Komunal ng Trapani. Itinatag ng mga Elimo, ang lungsod ay mahalaga pa rin bilang isang pantalang pampangingisda at bilang pangunahing daan tungo sa kalapit na kapuluang Egada.
Trapani | |
---|---|
Comune di Trapani | |
Ang komuna ng Trapani sa loob ng Malayang Konsorsiyong Komunal ng Trapani | |
Mga koordinado: 38°01′03″N 12°30′54″E / 38.01750°N 12.51500°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Lalawigan | Trapani (TP) |
Mga frazione | Marausa, Xitta, Palma, Fontanasalsa, Guarrato, Fulgatore, Salinagrande, Locogrande, Rilievo, Borgo Fazio, Ummari |
Pamahalaan | |
• Mayor | Giacomo Tranchida (PD) |
Lawak | |
• Kabuuan | 273.13 km2 (105.46 milya kuwadrado) |
Taas | 3 m (10 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 67,923 |
• Kapal | 250/km2 (640/milya kuwadrado) |
Demonym | Trapanese |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 91100 |
Kodigo sa pagpihit | 0923 |
Santong Patron | San Alberto |
Saint day | Agosto 7 |
Websayt | Opisyal na website |
Kasaysayan
baguhinAng Drepana ay itinatag ng mga Elimyo upang magsilbing daungan ng kalapit na lungsod ng Eryx (kasalukuyang Erice), na tinatanaw ito mula sa Monte Erice. Nakatayo ang lungsod sa isang mababang burol na nakausli sa Dagat Mediteraneo.
Ito ay orihinal na pinangalanang Drépanon mula sa salitang Griyego para sa "karit", dahil sa kurbadong hugis ng daungan nito. Inagaw ng Kartago ang kontrol sa lungsod noong 260 BK, at pagkatapos ay ginawa itong mahalagang base ng hukbong-dagat, ngunit ibinigay ito sa Roma noong 241 BK kasunod ng Labanan ng Kapuluang Egada sa Unang Digmaang Puniko.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)